Donya sa Cebu na nag-viral, nilinaw ang tungkol sa viral na chicken cordon bleu

Donya sa Cebu na nag-viral, nilinaw ang tungkol sa viral na chicken cordon bleu

- Sa isang interview kay Maria Hofs na nag-viral kamakailan sa social media, minabuti niyang ihayag ang kanyang panig

- Sinagot niya ang ilan sa mga katanungan sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos ng netizens sa kanya at maging sa kanyang pamilya

- Naibahagi niya ang kanyang panig hinggil sa pangyayari base naman sa kanyang pananaw at karanasan

- Nakatuwaan ng ilang netizens ang tungkol sa pagtanong ng seller kung nasaan ang chicken cordon bleu at ayon sa kanya, hindi ito nilabas dahil nasa loob iyon ng bahay kung saan ang ilang bisita nila ay kumakain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng GMA Regional network reporter na si Alan Domingo ang isang live video ng kanyang interview sa kontrobersiyal na si Maria Hofs na nadawit sa kontrobersiya matapos mag-viral ang paniningil sa kanya ng isang food supplier.

Read also

Viral na caterer na 'di nabayaran, umaliwalas na ang mukha sa mga tulong ni Raffy Tulfo

Donya sa Cebu na nag-viral, nilinaw ang tungkol sa hinahanap na Chicken Cordon
Food Supplier (Photo: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Sa nasabing panayam ay muling ikinuwento ni Maria ang pangyayari bago pa man nakarating sa programa ni Raffy Tulfo ang tungkol sa isyu.

Nilinaw niyang kung hindi umano nag-eskandalo si Marjorie, magbabayad naman siya. Nasira daw ang dapat sana ay masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak.

Isa naman sa nagkalat na meme sa social media ay ang tungkol sa paghahanap ni Marjorie ng chicken cordon bleu nang ipakita niya ang mga pagkaing nasa mesa.

Nilinaw ni Maria na nasa loob iyon kasama ang beef steak dahil naroroon sa loob ng bahay ang ilan pang bisita nila na foreigner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate