Nagpakilalang anak ni Nanay Josie, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome
- Isang Dennis Devera ang nagpakilalang anak ni Nanay Josie na tinulungan ng isang vlogger
- Ibinahagi niyang nahihiya siya kay Donnalyn dahil siya umano ang nadadawit at nasisira kahit pa malayong kamag-anak na nila ito
- Nilinaw niya rin na tuloy-tuloy umano ang ginawang pagtulong ni Donna maging hanggang ma-cremate ang kanyang ina
- Ibinahagi niya rin ang screenshot ng litrato na nagpapatunay ng pagtulong ni Donna sa kanyang mama
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Donnalyn Bartolome hinggil sa ipinipukol na isyu sa kanya. Gayun paman, isang Dennis Devera ang nagpakilalang anak ng pumanaw na si Nanay Josie.
Sinabi niyang hindi dapat sinisisi si Donna sa nangyari sa kanyang ina lalo at malayong kamag-anak na umano sila nila Donna.
Inalmahan niya ang umano'y paninira kay Donnalyn gamit ang pagkamatay ng kanyang mama.
Taliwas sa kumakalat na bali-balita, sinabi niyang marami ang naitulong ni Donna sa kanyang ina kabilang na ang pagbili ng motor, pagbigay ng puhunan para sa negosyo, binayaran ang pagkakautang ng kanyang mama at pagkuha ng apartment na mauupahan niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa niya, ibinili din ni Donna ng appliances ang kanyang mama at may buwanang allowance umano ito mula kay Donna.
Aniya, humingi umano noon ng dispensa ang kanyang mama kay Donnalyn dahil hindi umano nito alam na idadamay si Donna sa pagtulong sa kanya.
Kalakip ng kanyang mahabang post ay siya ang humingi ng paumanhin kay Donna sa dinaranas nitong mga pambabatikos dahil sa isyu.
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.
Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.
Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh