Ogie Diaz, kinantiyawan si Xian Gaza kaugnay sa patutsada nito kay Rudy Baldwin

Ogie Diaz, kinantiyawan si Xian Gaza kaugnay sa patutsada nito kay Rudy Baldwin

- Marami ang naaliw sa komento ni Ogie Diaz sa isang post ni Xian Gaza kaugnay sa kanyang isisiwalat umano tungkol kay Rudy Baldwin

- Biniro siya ni Ogie at ginaya nito ang linyang kadalasang ginagamit ni Rudy sa kanyang mga social media post

- Biro ni Ogie kay Xian na tinawag niyang chairman, sila umano ni Rudy ang magkakatuluyan at iyon umano ang hula niya

- Sinagot naman siya ni Xian at pabiro ding sinabing mag-reresign siya bilang kumpare ni Ogie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumikha ng ingay ang mga pahayag ni Xian Gaza laban kay Rudy Baldwin, isang komento ni Ogie Diaz sa post ni Xian ang kinaaliwan ng marami.

Ogie Diaz, tinukso si Xian Gaza kaugnay sa patutsada nito kay Rudy Baldwin
Ogie Diaz (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Pabirong sinabi ni Ogie na ang hula niya a si Xian at Rudy ang magkakatuluyan.

Chairman, me hula ako. Since legit ito na may almost 600k followers on facebook at may blue check, mag-iingat dahil kayong dalawa ni Rudy Baldwin ang magkakatuluyan.

Read also

Hidilyn Diaz, todo ang suporta kay Eumir Marcial; "Go for gold!"

Sagot naman ni Xian, dahil sa sinabi umano ni Ogie ay hindi na siya ninong ng bunsong anak ni Ogie at magre-resign na umano siya bilang kumpare nito.

at dahil diyan, hindi na ko Ninong ng bunso mong anak effective today. I hereby submit my resignation as your Kumpare. Salamat sa lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel