Lorin Gutierrez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection
- Inanyayahan ni Ruffa Gutierrez ang mga netizens na panuorin ang video ng kanyang anak na si Lorin Gutierrez
- Pinasok na rin ng kanyang panganay na anak ang paggawa ng YouTube videos kagaya ng karamihan sa mga artista sa kasalukuyan
- Ibinahagi ni Lorin ang kanyang koleksiyon ng mga mamahalin niyang sneakers
- Marami naman ang humanga sa anak ni Ruffa na ayon sa ilang netizens ay nanatiling humble sa kabila ng katayuan nila sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pinakita ni Ruffa Gutierrez ang kanyang suporta sa panaganay na anak na si Lorin Gutierrez sa pagpasok nito sa mundo ng vlogging. Ibinahagi niya sa kanyang socia media account ang bagong vlog ni Lorin upang i-promote ito.
Sa kanyang vlog, pinakita ni Lorin ang kanyang koleksiyon ng mga sneakers niya.
Marami ang natuwa at naaliw sa panganay ni Ruffa na ayon sa kanila ay walang yabang kahit nagmula sa mayamang pamilya.
So classy and yet so down to earth… it really shows that you are brought up well by your family
Swag shoes Gorgeous owner. Pang Miss universe Ang beauty ni Lorin
AF 1 is literally 5k pesos pambayad na namin ng kuryente, tubig at pang grocery
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Lorin Gutierrez ang panganay na anak ni Ruffa Gutirrez sa kanyang dating asawang si Ylmas Bektas.
Si Ruffa ang panganay na anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Isa siyang dating beauty queen. Isa sa kanyang kapatid ay ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez na kinasal kamakailan kay Sarah Lahbati.
Ang kanyang inang si Anabelle Rama ay nagbahagi kamakailan kung paano siya tinulungan ni Ruffa. Gayundin, isang prangka at madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ruffa, nagpapasalamat siya na si Anabelle ang kanyang ina.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh