Ivana at Mama Alawi, magkaiba ang kahulugang binigay sa salitang 'marupok'

Ivana at Mama Alawi, magkaiba ang kahulugang binigay sa salitang 'marupok'

- Isang makulit na pagtatalo ang naganap sa pagitan nina Ivana at Mama Alawi

- Sa vlog ng kapatid ni Ivana na si Hash, naitanong ni Ivana sa kanilang ina kung ano ang kahulugan ng salitang 'marupok'

- Ngunit iba ang naibigay nitong kahulugan kumpara sa naiisip ni Ivana at sa halimbawang ibinigay niya

- Dahil dito, nanghingi na sila ng opinyon ng netizens upang maging sila ay maliwanagan sa kahulugan ng salitang 'marupok'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa isang makulit na pagtatalo ang pagtatanong ni Ivana Alawi sa kanyang Mama Alawi kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang 'marupok.'

Sa vlog ng kapatid ni Ivana na si Hash, naitanong ni Ivana ang kahulugan ng 'marupok' sa ina.

Ivana at Mama Alawi, magkaiba ang kahulugang binigay sa salitang 'marupok'
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Paliwanag ni Mama Alawi, ang salitang marupok ay kung ang isang tao ay nasa relasyon na ngunit bumibigay pa rin sa ibang tao na nagpapakita ng motibo.

Read also

24-anyos na working student, naging milyonarya pa sa gitna ng pandemya

Samantalang para kay Ivana, ito ay kung nagawa ka nang saktan ng taong mahal mo ngunit isang 'sorry' lamang nito, handa mo pa rin siyang patawarin.

Dahil sa magkaiba ang binigay nilang halimbawa at pagkakaunawa sa nasabing salita, nagtanong na rin sila ng opinyon ng mga netizens.

Ang ilang ay sumang-ayon sa halimbawa ni Ivana habang ang iba naman ay nagsasabing tama rin naman ang halimbawang ibinigay ni Mama Alawi.

Narito ang kabuuan ng makulit nilang video mula sa YouTube channel ni Hash:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.3 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, nagawa niyang i-prank ang kapatid na si Hash at hindi nila ito pinansin ng nasa 24 oras.

Read also

OFW, nagmamakaawang iksian ang quarantine makapiling lang ang anak bago ito ilibing

Iyon pala, para ito sa surpresang inihanda ni Ivana kay Hash kung saan binilhan niya ito ng mamahaling motorsiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel