Ivana Alawi, napagastos ng nasa Php400,000 sa 'who's gonna pay' prank sa kanya

Ivana Alawi, napagastos ng nasa Php400,000 sa 'who's gonna pay' prank sa kanya

- Nauwi sa prank ang dapat sana'y "who's gonna pay challenge" nina Ivana Alawi at kapatid nitong si Hash Alawi

- Lumabas ang Alawi family para ipasyal ang kanilang Mama Alawi na matagal na rin na napirmi sa bahay

- Gumawa kasi sila ng palabunutan kung saan naroon ang pangalan nina Ivana at Hash at sa tuwing may bibilhin sila, bubunot sila kung sino ang magbabayad

- Kataka-takang si Ivana Alawi ang laging nabubunot na magbayad na iyon pala ay 'prank' na sa kanya ng kapatid na si Hash

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-prank si Ivana Alawi ng kanyang kapatid na si Hash Alawi sa pinakabago niyang vlog na inilabas ngayong Hunyo 18.

Nalaman ng KAMI na nauwi sa prank ang dapat na sana'y "who's gonna pay challenge" ni Ivana para sa kanilang dalawa ni Hash.

Read also

Heaven Peralejo, minabuting limitahan ang makakapagkomento sa kanyang Instagram

Iyon kasi ang araw kung kailan nakalabas muli sila kasama si Mama Alawi na kanilang ipinasyal at ipinamili.

Ivana Alawi, napagastos ng daan-daang libong piso sa 'who's gonna pay' prank sa kanya
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: UGC

Ang challenge, gumawa sila ng mga pirasong papel na nakasulat ang pangalan nila ni Hash at nilagay ito sa kahon.

Sa tuwing may bibilhin o babayaran, bubunot ang cashier ng pangalan at iyon ang magbabayad.

Una silang nagpunta sa restaurant kung saan si Ivana agad ang nagbayad ng halos Php 10,000.

Sumunod silang nag-shopping ng mga damit na umabot sa halagang Php37,000 at si Ivana muli ang nabunot ng kahera para magbayad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Maging sa mga bilihan ng footwear kung saan nasa Php11,000 ang mga pinamili ay si Ivana pa rin ang nabunot.

Ngunit nang milk tea lamang ang kanilang bibilhin na malayo ang presyo sa mga nauna nilang ipinamili, si Hash na ang nabunot.

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Bahagya mang nagtaka subalit hindi pa rin nakahalata ang aktres.

At maging sa pagbili nila ng mga jewelries kung saan umabot sa daan-daang libo ang kanilang nabili lalo na para sa kanilang Mama Alawi, si Ivana pa rin ang napagbayad.

Nang makauwi, saka lamang nila ibinunyag ang pangyayari na pinalitan ni Hash ang lahat ng mga piraso ng papel sa kahon kaya naman puro Ivana na lang ang kanilang nabubunot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.3 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, namahagi ng "ayuda" si Ivana sa masuswerteng 1,300 na katao at sinasabing gumastos ng Php1.3 million sa pagdiriwang niya ng pagkakaroon ng 13 million subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel