Ivana Alawi, binigyan ng mamahaling motor ang kapatid matapos dedmahin sa loob ng 24 oras

Ivana Alawi, binigyan ng mamahaling motor ang kapatid matapos dedmahin sa loob ng 24 oras

- Labis na nasupresa si Hashim Alawi nang bigyan siya ng kapatid na si Ivana ng mamahaling motor

- Tinatanong daw kasi nito ang mga kapatid tungkol sa kanilang opinyon sa motor na tila nais nitong bilhin

- Kaya naman, nagkaroon ng ideya si Ivana bilhan nito ang kapatid na may pagka-kuripot daw sa sarili

- Subalit, nagawa muna nila itong dedmahin sa loob ng 24 oras bago ibigay ang surpresa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Ignoring Hash for 24 hours" ang laman ng pinakabagong vlog ni Ivana Alwi na inilabas ngayong Hulyo 6.

Nalaman ng KAMI na hindi lamang nila dinedma si Hash sa loob ng isang araw, sinurpresa rin nila ito.

Namasyal ang pamilya Alawi sa Tagaytay ngunit habang nasa biyahe, sinumulan na nila ang hindi pagpansin kay Hash kahit pa ito ang nag-drive para sa kanila.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo

Ivana Alawi, binigyan ng mamahaling motor ang kapatid matapos dedmahin sa loob ng 24 oras
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Madali naman niya itong napansin at naramdaman ni Ivana na naiinis na ang kapatid makalipas ang ilang oras.

Subalit nang makabalik na sila sa kanilang tahanan, laking gulat ni Hash sa nakaabang na surpresa sa kanya ni Ivana.

Kwento pa ng isa nilang kapatid na si Mona, humihingi na umano ng opinyon si Hashim tungkol sa Honda PCX 160 na motorsiklo.

Pero dahil alam ni Ivana na may pagkakuripot si Hash sa kanyang sarili, naisipan niyang ibili nito ang kapatid.

Halos maiyak si Hash sa tuwa lalo na nang sabihin ni Ivana na: ""But you deserve it, cause you're such a good brother. You're the best brother!"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.3 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Kris Bernal, sinabing tila iisang tao ang nanloloko gamit ang kanyang pangalan

Kamakailan, namahagi ng "ayuda" si Ivana sa masuswerteng 1,300 na katao at sinasabing gumastos ng Php1.3 million sa pagdiriwang niya ng pagkakaroon ng 13 million subscribers.

Labis ding kinagiliwan ng marami ang prank na ginawa sa kanya ng kanyang kapatid na si Hash Alawi kung saan napagastos siya ng Php400,000 para sa shopping ng kanilang ina na si Mama Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel