Ivana Alawi sa sinabi ng netizen na kamukha siya ni K Brosas: "Uy, ang cute naman 'nun"

Ivana Alawi sa sinabi ng netizen na kamukha siya ni K Brosas: "Uy, ang cute naman 'nun"

- Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi, nagbasa sila ng kanyang kapatid na si Mona Alawi ng mga comments ng netzens sa kanilang social media platforms

- Inaasahang 'mean comments' ang kanilang mga babasahin ngunit ang ilan ay ang mga kamukha umano nilang artista

- Isa na rito ang sinabi kay Ivana na kamukha umano niya ang singer at comedian na si K Brosas

- Para kay Ivana, hindi ito 'mean comment' o bash at binati pa niya si K Brosas sa kanyang vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbasa sina Ivana Alawi at Mona Alawi ng ilang komento ng netizens tungkol sa kanila.

Sa pinakabagong vlog ni Ivana na inilabas nitong Hulyo 29 at may pamagat na "Reading mean comments +Mukbang *Na-hurt kami*, nagbigay reaksyon si Ivana sa sinasabing 'di magandang opinyon ng ilang netizens.

May ilan na nakuhang punahin ang mukha, pananamit at maging respeto umano sa sarili ni Ivana.

Read also

Mona Alawi sa mga nagsasabing kamukha niya si Pooh: "Anong bash 'dun?"

Ivana Alawi sa sinabi ng netizen na kamukha siya ni K Brosas: "Uy, ang cute naman 'nun"
Ivana Alawi (Photo credit: @ivanaalawi)
Source: Instagram

Ang kanyang kapatid na si Mona ay hindi rin tinantanan ng komentong nagsasabi na kamukha umano niya ang komedyanteng si Pooh. Hindi raw nasasaktan si Mona sa mga ganitong klaseng komento na para sa kanya ay hindi naman pamba-bash. Binati pa niya si Pooh sa kanilang vlog.

Gayundin si Ivana na sinabihang kamuha niya ang singer at komedyante na si K Brosas. "Uy, ang cute naman 'nun," ang inisyal na reaksyon ng vlogger na at binati rin si K matapos ito. "Hi Miss K Brosas, kamukha raw po kita. Thank You!"

Nilinaw din ni Ivana na hindi naman 'mean comment' ang opinyon na ito ng netizen.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.6 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Kamakailan, nagawa niyang i-prank ang kapatid na si Hash at hindi nila ito pinansin ng nasa 24 oras.

Iyon pala, para ito sa surpresang inihanda ni Ivana kay Hash kung saan binilhan niya ito ng mamahaling motorsiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel