Mona Alawi sa mga nagsasabing kamukha niya si Pooh: "Anong bash 'dun?"

Mona Alawi sa mga nagsasabing kamukha niya si Pooh: "Anong bash 'dun?"

- Nagbigay ng reaksyon si Mona Alawi sa ilang mga komento na natatanggap nila sa social media

- Isa na rito ang madalas na sabihin sa kanya na kamukha niya umano ang komedyante na si Pooh

- Para kay Mona, hindi raw umano bash at para sa kanya hindi siya nasasaktan tuwing nakatatanggap siya ng ganoong komento

- Binati pa niya si Pooh sa vlog ng kanyang ate na si Ivana Alawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel, nagbasa sila ng kanyang kapatid na si Mona Alawi ng mga 'mean comments' na natatanggap nila sa social media.

Nalaman ng KAMI na sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay reaksyon na si Mona patungkol sa mga sinasabi sa kanya na kamukha niya ang komedyante na si Pooh.

Mona Alawi sa mga nagsasabing kamukha niya si Pooh: "Anong bash 'dun?"
Mona Alawi (Photo credit: Mona Alawi)
Source: UGC

"Alam mo, andaming nagba-bash sa kanya ng Pooh pero pinagtatawanan lang niya," paliwanag ni Ivana.

Read also

Maria Hofs, sinabing magbabayad naman sana siya kung hindi lang siya ineskandalo ni Marjorie

"Anong bash 'dun?" tanong naman ni Mona na para sa kanya, naikumpara lamang siya sa komedyante na sinasabing kamukha niya.

"That's not a bash, that's just comparing," pagbibigay diin naman ni Ivana.

Ayon pa kay Mona, hindi raw siya nasasaktan sa tuwing makababasa ng ganoong klaseng komento.

"Sa'kin wala namang nakaka-hurt 'don. Ok may kamukha akong tao, ikaw din may kamukha ka. Am I supposed to get hurt?"

Matapos pa nito, nagawa pa nina Ivana at Mona na batiin ang komedyanteng si Pooh sa kanilang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Sa isa sa mga vlog ng kanyang ate na si Ivana, ipinaliwanag nila ang kondisyon ni Mona na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi ito minsan nakakasama sa kanyang mga video.

Marami kasi ang nakapansin noon na madalas na wala si Mona na makailang beses pa lang na-ospital.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel