Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

- Kinumusta ni Raffy Tulfo ang nag-viral na food supplier ng Cebu na si Marjorie Abstas matapos ang ikalawang hearing nito sa barangay

- Ibinalita niyang nagkaayos na sila ng customer at hindi na magsasampa ng kaso sa isa't isa

- Inamin na rin ng customer ang kanya umanong pagkakamali at tinanggap naman ni Marjorie ang paghingi ng kapatawaran nito

- Napansin din ng mga netizens na 'blooming' na si Marjorie at nagpa-blonde pa umano ito ng kanyang buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaliwalas na ang mukha ng nag-viral food supplier ng Cebu na si Marjorie Abastas nang muli siyang humarap sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na kinumusta ni Tulfo si Marjorie at idinetalye na nito ang naging pag-uusap nila ng nakaalitang customer na si Maria May Hofileña.

Ayon kay Marjorie, pinag-usap sila ni Maria ng kanilang kapitan ng barangay. Ginanap ito sa ikalawa nilang hearing noong Agosto 5.

Read also

Cebu food supplier, pina-beauty makeover ng isang negosyante na mula pa sa Davao

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Agad na humingi raw ng tawad si Maria sa kanya at inamin ang kanyang pagkakamali. Nagkapatawaran na rin sila sa isa't isa.

Isa rin sa kanilang napag-usapan ay ang hindi na pagsasampa ng kaso ng sinuman sa kanila at tinuldukan na ang naging alitan.

Dahil sa natapos na ang problema ng food supplier, maraming netizens ang nakapansin umano na 'blooming' daw si Marjorie.

"Eto mam, reaksyon ng netizen, biglang naging golden hair daw po kayo," pagpaparating ni Tulfo kay Marjorie ukol sa isang komento ng netizen. Natawa na lamang si Marjorie at napasabi ng "Sana all."

Matatandaang umabot pa ng part 4 ang kasong ito na idinulog kay Raffy Tulfo matapos mag-viral ang video ng umano'y pagsingil ni Marjorie kay Maria May na gumawa ng ingay sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel