Cebu food supplier, pina-beauty makeover ng isang negosyante na mula pa sa Davao

Cebu food supplier, pina-beauty makeover ng isang negosyante na mula pa sa Davao

- Pinasalamatan ni Marjorie Abastas ang isang negosyante na nagbigay sa kanya ng hair makeover

- Sa kanyang post, ipinakita ni marjorie ang kanyang 'blonde' na buhok at pinaayos na kilay na sponsor ng negosyante mula pa sa Davao

- Marami ang nakapansin na blooming si Marjorie nang kinumusta ito ni Raffy Tulfo

- Doon niya naikwento ang kabutihan ng negosyante na tinawagan pa umano siya para bigyan siya ng home service

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasalamat ang nag-viral na food supplier sa Cebu na si Marjorie Abastas sa negosyanteng nagbigay umano sa kanya ng isang beauty makeover.

Nalaman ng KAMI na nitong Agosto 2, nagpost si Marjorie ng pasasalamat sa nag-sponsor na hair makeover sa kanya.

Makikita na blonde na ang buhok ni Marjorie at pati na rin ay kanyang kilay ay kanya ring pinaayos.

Read also

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

Cebu food supplier, pina-beauty makeover ng isang negosyante na mula pa sa Davao
Photo: Marjorie Abastas (Marjorie A. Alison)
Source: Facebook

Napansin din ito ng mga nakapanood sa kanya sa 'Wanted sa Radyo' nang kumustahin siya ni Raffy Tulfo tungkol sa pag-aayos umano ni Marjorie at ng naging customer nito na si Maria Hofileña.

Doon, naikwento rin ni Marjorie na sponsor lang ng may-ari ng 'Rovyn Thor' OL shoppe ang kanyang pagpapayos ng buhok at kilay.

"Sponsor lang po yung hair ko, yung kilay ko sponsor ko lang talaga.," naikwento ni Marjorie kay Tulfo.

Dagdag pa ni Marjorie, mula pa sa Davao ang nasabing businesswoman at nagpa-book pa raw ito ng home service sa pagpapa-makeover kay Marjorie kaya labis niya itong pinasalamatan.

Idinetalye na rin ni Marjorie kay Tulfo kung paano sila nagkaayos ng kanyang customer at hindi na hahantong sa sampahan ng kaso ang magkabilang panig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña

Nag-viral ang video ng food supplier Marjorie Abastas at naging customer nito na si Maria May Hofileña. Ito ay dahil sa hindi nila pagkakaunawaan kung saan 'kulang' umano para sa customer ang mga pagkain sa package para sa halagang sinisingil ni Marjorie.

Humantong sa programa ni Raffy Tulfo ang alitan ng dalawa na hahantong pa sana sa demandahan.

Subalit matapos ang ilang beses na pag-uusap nila sa barangay, nagkaayos na ang dalawa at nagkapatawaran.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel