Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña

Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña

- Muling kinumusta ni Raffy Tulfo si Marjorie Abastas, ang viral food supplier na tinanggihan noong bayaran ni Maria May Hofileña

- Sa kanyang update kay Raffy Tulfo, sinabi nitong nagkapatawaran na sila ng customer at hindi na raw nito itutuloy ang demanda

- Inamin din nito ang kanyang pagkakamali sa pag-uusap nila ng masinsinan

- Maging si Tulfo ay natuwa sa pagkakaayos ng dalawa at hindi na nauwi pa sa sampahan ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinetalye ng Cebu food supplier na si Marjorie Abastas ang mga naganap sa pagkakaayos nila ng naging customer na si Maria May Hofileña.

Nalaman ng KAMI na kinumusta ni Raffy Tulfo si Marjorie at doon sinabi nitong nagkabati na at maayos silang nagkausap ng nakaalitang customer dahil sa pagtanggi nitong bayaran ng buo ang inorder na food package.

Read also

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña
Raffy Tulfo (Photo: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kwento ni Marjorie, nagkausap sila sa barangay ng masinsinan kung saan humingi ng tawad si Maria May sa kanya umanong mga kamalian.

"Second hearing po namin noong August 5, pagpunta namin doon, nag-acknowledge yung kapitan namin na iniwan niya kaming dalawa (Maria May) sa room, kami lang dalawa talaga ang mag-usap," panimula ng salaysay ni Marjorie.

"Sinabi po ni ma'am Maria na 'Marjorie magpatawaran na lang tayong dalawa"

Ayon pa kay Marjorie, inamin din daw ni Maria na kasalanan umano niya ang lahat ng mga nangyari at na-provoke lamang siya sa harap ng kanyang mga bisita.

Nakita rin daw ni Marjorie ang sinseridad ng paghingi ng tawad ni Maria May.

Nagkapirmahan na rin sila sa barangay na hindi na magsasampa pa ng anumang kaso laban sa isa't isa.

Masaya si Tulfo sa pagpapatawaran ng dalawa at maging si Maria May ay pinasalamatan nito sa kooperasyon upang magkaayos na lamang sila ng food supplier.

Read also

Cebu food supplier, pina-beauty makeover ng isang negosyante na mula pa sa Davao

Matatandaang umabot sa part 4 ang naturang kaso na inilapit kay Tulfo matapos na mag-viral ang video kung saan makikita ang umano'y pagtanggi ni Maria May na bayaran ang mga order kay Marjorie na para sa kanya ay hindi sasapat sa hinihingi nitong bayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica