Babaeng magkaiba ang 1st at 2nd dose ng COVID vaccine na natanggap, nagpa-Tulfo

Babaeng magkaiba ang 1st at 2nd dose ng COVID vaccine na natanggap, nagpa-Tulfo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang babaeng naturukan ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine

- Nakararamdam umano siya ng pabalik-balik na pananakit ng ulo at batok mula nang matanggap ang 2nd dose

- Nangamba siya lalo na at hindi naman niya ito naramdaman nang makatanggap ng kanyang 1st dose

- Sa tulong ni Tulfo, kumunsulta sila sa eksperto upang malaman kung kinakailangan ng karampatang medikal na atensyon ang kalagayan ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo si Cecille Lyn Quirino ng Aurora Province matapos na makatanggap umano ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine para sa 1st at 2nd dose niya nito.

Nalaman ng KAMI na sa unang dose nito noong Hunyo, Sinovac ang kanyang natanggap.

Sa pangalawang dose nitong Hulyo, imbis na Sinovac muli ang matanggap, Janssen vaccine ang naiturok sa kanya.

Read also

Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome

Babaeng magkaiba ang 1st at 2nd dose ng COVID vaccine na natanggap, nagpa-Tulfo
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Base sa salaysay ni Cecille sa 'Wanted sa Radyo', labis siyang nangamba gayung marami umano siyang nararamdaman matapos maturukan ng second dose na iba sa kanyang first dose.

Halos wala umano siyang kakaibang narandaman nang makatanggap ng Sinovac subalit nang mabakunahan ng Janssen, 'on and off' na ang pananakit ng kanyang ulo.

Sa tulong ni Tulfo, isinangguni nila ito sa Head Vaccine Expert Development Panel ng Department of Science and Technology na si Dr. Nina Gloriani, MD, MSc, PhD.

Sinabi ng eksperto na normal lamang ang nararamdaman ni Cecille base sa mga inaasahang magiging epekto ng naturang bakuna.

Gayunpaman, sinabihan pa rin umano siya na magtungo agad sa pagamutan sakaling tumagal pa ang nararamdamang mga pananakit sa katawan.

Patuloy na ipinamo-monitor ni Tulfo si Cecille sa Head ng Rural Health sa Dipaculao, Aurora na si Dr. Arturo Parilla.

Pinaalalahanan din ni Tulfo si Parilla na maging maingat na ang kanilang mga health workers na nagsasagawa ng pagbabakuna upang hindi na muling maulit ang pagkakamali na nagresulta sa pangamba ng nabakunahan.

Read also

Raffy Tulfo, agad na tinulungan ang OFW na may stage 3 cancer nang makauwi ito ng bansa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica