Raffy Tulfo, agad na tinulungan ang OFW na may stage 3 cancer nang makauwi ito ng bansa
- Agad na nagpaabot ng tulong si Raffy Tulfo sa OFW na may stage 3 cancer nang makauwi ito ng bansa
- Dumulog ang kapatid nito sa programa ni Tulfo sa pag-aakalang napabayaan ang OFW
- Ngunit, nilinaw ng ahensya ng OFW na maayos itong naalagaan ng mabubuti niyang amo
- At nang makauwi sa bansa, nag-abot ng tulong pinasyal si Tulfo bukod pa sa iba nitong pangangailangan tulad ng tiket para makauwi ng GenSan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agad na natulungan ni Raffy Tulfo ang 35-anyos na Overseas Filipino Worker na si Shanne Fernandez na na-diagnose na may stage 3 cervical cancer.
Nalaman ng KAMI na dumulog ang kapatid ni Shanne sa programa ni Tulfo sa pag-aakalang napapabayaan ito sa Saudi Arabia lalo na at mayroon itong karamdaman.
At dahil hindi makontak ng 'Idol in Action' si Shanne para makumpirma ang kalagayan nito, minabuti nilang kausapin ang agency nito.
Doon nila nalaman kay Danica Sandigan, welfare officer ng Philcango International Recruitment Services na tinutulungan ng kanyang amo si Shanne.
Katunayan, ito pa umano ang nagdesisyong manatili sa Saudi kung saan nakakapag-dialysis siya sa tulong ng kanyang amo.
Dahil dito, nagtataka umano ang agency kung bakit nakarating pa sa programa ni Tulfo ang sitwasyon gayung hindi naman napapabayaan ang OFW.
Kaya naman, minabuti na lamang ni Tulfo na agad na tulungan si Shanne nang makabalik na siya sa bansa.
Pinasadya niya ito sa kanyang staff upang personal na ibigay ang tulong pinansyal at iba pa nitong pangangailangan tulad ng ticket para makauwi na sa General Santos City.
Abot-abot naman ang pasasalamat ng OFW kay Raffy Tulfo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh