Honor student ng 'piso-piso para sa laptop', ibinahagi na lang ang nalikom
- Matapos na mai-tampok sa KMJS ang dating pulubi na naging honor student, naisipan niyang ibahagi na lamang ang nalikom na pera
- Siya rin kasi ang nasa likod ng viral post na 'piso para sa laptop, piso para sa pangarap' kung saan nanawagan siya ng tulong upang makabili ng gadget
- Ngunit dahil sa nabiyayaan na siya ng laptop mula sa 5th District of Leyte sa pangunguna ni Congressman Carl Cari, naisipan niyang ibili pa rin ng laptop ang nalikom na pera
- Tatlong laptop ang kanyang nabili at naibigay niya ito sa mga mag-aaral na nangangailangan din nito tulad niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kahanga-hanga ang naisipang gawin ng kaka-graduate lamang na estudyante sa high school na si Eugene Dela Cruz.
Matatandaang siya ang naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho na isang dating pulubi na nagsikap at nang magtapos ng senior high school, 'with highest honors' ang kanyang nakamit dahil sa general average niya na 98.
Siya ang kauna-unahang mag-aaral sa kanilang paaralan na nagtamo ng pinakamataas na karangalan.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, matinding pagsubok ang hinarap ni Eugene mula pagkabata kung saan humantong sa puntong kinailangan niyang mamalimos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila ng lahat ng hirap, hindi sinayang ni Eugene ang pagkakataon na siya ay patuloy pa rin na makapag-aral.
Kaya naman naabot niya ang pinakamataas na karangalang maaring makuha ng isang estudyante subalit nagkaroon pa rin ito ng kaakibat na problema.
Sa kabila kasi ng mga scholarships na inihain sa kanya, wala naman siyang gadget partikular na ang laptop para magamit sa pag-aaral lalo na at wala paring face to face classes ngayong panuruang taon 2021-2022.
Kaya naman naisip niya na humingi ng tulong na tinawag niyang 'piso para sa laptop, piso para sa pangarap.'
Sa programang KMJS din naibahagi na tinupad ng 5th District of Leyte sa pangunguna ni Congressman Carl Cari ang laptop na hiling ni Eugene.
Kaya naman ang kanyang mga nalikom mula sa 'piso para sa laptop' ay minabuti pa rin niyang ibili ng laptop hindi para sa sarili kundi para sa mga katulad niyang nangangailangan nito.
Ibinahagi niya sa kanyang Facebook post ang tatlong nabigyan niya ng laptop mula sa umano'y mga piso-piso na tumulong sa kanya.
Tulad ni Eugene tunay na kahanga-hanga ang mga mag-aaral na sa kabila ng mga pagsubok ng online class, nakagagawa pa rin sila ng paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon.
Ang ilan, tuloy pa rin ang pagiging working student makatulong lamang sa pamilyang lalong naghikahos dahil sa pandemya. Dumidiskarte rin ang iba ng pagdalo ng klase online kahit breaktime lamang nila.
Isa na rito ang nag-viral na delivery rider na nagagawa ang regular na trabaho habang siya ay nasa kolehiyo. Umani siya ng papuri dahil kahit nagtapos na sa pag-aaral, 'di muna siya basta bumitiw sa trabaho habang naghihintay pa ng iba pang oportunidad.
Source: KAMI.com.gh