Angel Locsin, inspirasyon ng komedyanteng si Petite pagdating sa pagtulong sa kapwa

Angel Locsin, inspirasyon ng komedyanteng si Petite pagdating sa pagtulong sa kapwa

- Naikwento ng komedyanteng si Petite na iniidolo niya si Angel Locsin

- Labis niya itong hinahangaan lalong-lalo na ang pagtulong nito sa sinoman ang nangangailangan

- Isa si Petite mula sa mundo ng showbiz na marunong magbahagi ng kanilang biyaya sa kapos-palad

- Madalas siyang magluto at mamahagi ng pagkain sa mga frontliners bilang pasasalamat niya sa sakripisyo ng mga ito sa laban nating kontra COVID-19

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hayagang sinabi ng komedyanteng si Petite na iniidolo niya ang aktres na si Angel Locsin.

Nalaman ng KAMI na naging guest host sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update si Petite kung saan napag-usapan ang pagiging matulungin ni Angel Locsin hindi lamang sa mga kababayang naghihikahos kundi maging sa mga kaibigang nangangailangan ng tulong.

Angel Locsin, inspirasyon ng komedyanteng si Petite pagdating sa pagtulong sa kapwa
Photo: Angel Locsin
Source: Facebook

Dahil dito, labis daw talagan hinahangaan ni Petite ang aktres na siyang naging inspirasyon niya sa pagmamalasakit sa kapwa.

Read also

Manny Pacquiao, tigil na sa boxing; naka-focus sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa

"Basta idol ko si Angel, idol ko si Angel talaga. Parang si Angel ang nagmulat sa akin na yung ang sarap kasi sa pakiramdam na tumutulong."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Ogie Diaz, isa si Petite sa mga marunong magbahagi ng biyaya na natatanggap nito bilang nasa mundo siya ng showbiz.

"Nagpapakain siya ng mg frontliners... Siya nagluluto, tapos pinapakain niya. Tapos isa- isa niya lalo na yung mga nakadestino sa checkpoint."
"Si Petite talagang ganoon siya. 'Yung 'pag may blessings na sobra sa kanya at alam niyang mabubusog ang kanyang kaluluwa 'yan ang ginagawa niya"

Ayon naman kay Petite, isa si Ogie Diaz sa mga tumutulong at sumusuporta sa kanya sa pagbabahagi ng biyaya.

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan, sunod-sunod ang naging testimonya ng mga kapwa niya artista tungkol sa kabutihan at pagtulong sa kanila ng aktres at pilantropo na si Angel Locsin.

Read also

Libro tungkol sa buhay ni Mayor Isko Moreno, 'most popular' ngayon sa mga bookstores

Matatandaang isiniwalat ni Janus Del Prado ang pagbabayad ni Angel ng kanyang hospital bill noong 2014.

Maging ang dating 'Ang Probinsyano' actor na si Lester Llansang ay nagsabing si Angel Locsin ang artistang may kahanga-hangang personalidad. Isa siya sa mga natulungan nito kung saan sinagot din ni Angel ang lahat ng gastusin nang isilang noon ang anak ni Lester. Labis niya talaga itong ipinagpapasalamat sa kaibigan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel