Angel Locsin, binayaran noon ang hospital bill ng anak ni Lester Llansang

Angel Locsin, binayaran noon ang hospital bill ng anak ni Lester Llansang

- Ibinahagi ni Lester Llansang ang kabutihang nagawa sa kanya ng kaibigang si Angel Locsin

- Tinanong kasi siya ni Ogie Diaz sa kung sino ang taong hinangaan niya sa showbiz 'di lamang sa pag-arte kundi sa pakikipagkapwa-tao

- Si Angel Locsin ang kanyang isinagot gayung binayaran nito ang hospital bill nang isilang ang anak ni Lester

- Hindi siya siningil nito at naging ninang pa si Angel ng kanyang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa na namang kabutihan ni Angel Locsin ang naibahagi ng aktor na si Lester Llansang.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naitanong sa kanya nito kung sino ang artistang kanyang hinahangaan hindi lamang sa pag-arte kundi sa pakikipag-kapwa tao.

Agad na isinagot ni Lester si 'Gelocs' na si Angel Locsin pala at ito lamang ang kanyang tawag sa kaibigang aktres.

Read also

Angel Locsin, lalong hinangaan dahil sa mga testimonya ng mga natulungang kaibigan

Angel Locsin, binayaran noon ang hospital bill ng anak ni Lester Llansang
Photo: Lester Llansang
Source: Facebook

Ayon kay Lester, madalas siyang tumugtog noon sa bar ni Angel. At nang ipapanganak ang kanyang supling, aminado ang aktor na wala siyang panggastos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Wala akong budget, as in ipit, nakaipit 'yung budget. Si Angel 'yung sumagot, yung buong hospital bill, yung buong bayarin"
"Tapos ninang pa siya," buong pagmamalaki niya sa kaibigang aktres

At nang tanungin siya ni Ogie kung binalikan siya ni Angel para singilin, "hindi siya ganun, hindi ganun si Angel, nakakatuwa siya," ang isinagot ni Lester.

Kaya naman ganoon nalang ang pagpapasalamat niya sa aktres na kilala talaga sa pagiging 'real-life' Darna na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Lester Llansang ay isang aktor sa Pilipinas na nagsimula ang career sa pagiging isang child star. Taong 2015, naging bahagi siya ng TV series na FPJ's Ang Probinsyano bilang si "P/Cpt. Mark Vargas". Noong July 2020, natapos ang acting stint niya sa naturang TV series.

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Isa rin sa mga eksklusibong nakapanayam ni Ogie Diaz ang naging kontrobersyal na aktor kamakailan na si Janus Del Prado sa umano'y pagtatanggol niya sa mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Janus, naikwento rin ng aktor kung paano siya pahalagahan ng iba pa niyang mga kaibigan tulad nina Paulo Avelino at Angel Locsin.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel