Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

- Ibinahagi ng aktres na si Rich Asuncion na nagdadalang-tao siya sa kanilang pangalawang anak ng kanyang asawang si Benj Mudie

- Sa kanyang ibinahaging Instagram post ay kasama niya ang kanyang panganay na anak at may mga nakasulat na numero sa kanilang tiyan

- Ibinahagi niya rin ang picture ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis

- Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kaibigan nila sa showbiz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ng aktres na si Rich Asuncion ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang rugby player na si Benj Mudie.

Sa kanyang ibinahaging Instagram post ay kasama niya ang kanyang panganay na anak at may mga nakasulat na numero sa kanilang tiyan. Ibinahagi niya rin ang picture ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao
Rich Asuncion (@richasuncionmudie)
Source: Instagram

“Baby number two on the way,” aniya sa caption kalakip ang picture nila ng kanyang panganay kung saan may nakasulat na number 1 at 2 sa kanilang mga tiyan.

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kaibigan nila sa showbiz. Kabilang sina Sheena Halili, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, at Marco Alcaraz sa mga bumati sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyang naninirahan ang aktres sa Canberra sa Australia kasama ang asawa't anak. Matatandaang noong Hunyo noong nakaraang taon, ibinahagi niya ang pagtanggap niya ng kanyang unang sahod bilang isang waitress sa isang restaurant doon.

Si Rich ay nagmula sa talent reality search ng GMA na Startstruck habang ang kanyang asawa ay isang rugby player. Si Rich at Benj ay ikinasal noong May taong 2018 at nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Isabelle Brie na pinanganak noong December 2018.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Matatandaang dalawang buwan matapos silang ikasal, nagdadalangtao na ang Kapuso aktres na si Rich Asuncion.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang mister, masayang ibinahagi ni Rich ang magandang balita.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel