Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

- Ikinatuwa ng mga fans ni Heaven Peralejo na matapos ang isang buwan ay nakapag-upload ng panibagong video si Heaven sa kanyang YouTube channel

- Isang life update ang kanyang ibinahagi matapos ang kanyang pinagdaanang matinding intriga nitong nakaraang buwan kaugnay sa kanyang love life

- Bukod sa mga bagay na kanyang ginagawa habang nasa bahay, ibinahagi din ng aktres ang ilan sa kanyang mga trabahong ginawa

- Sa kanyang ibinahaging vlog ay makikita ang recording session niya kasama si ang dating PBB housemate na si Gino Roque

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lalong hinangaan ng mga tagasuporta ni Heaven Peralejo ang katatagan ng aktres sa kabila ng kontrobersiya at pambabatikos na kanyang pinagdaanan.

Sa kanyang bagong vlog ay ibinahagi ni Heaven ang kanyang life update isang buwan matapos niyang i-upload ang kanyang pagpunta sa Boracay.

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Heaven Peralejo, pinakita ang behined-the-scenes ng kanyang ginawang recording
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Sa pinakabagong vlog, ibinahagi ni Heaven ang kanyang ginawang work out session at ang pagsasailalim niya sa Antigen test bago siya sumalang sa recording kung saan nakasama niya si Gino Roque.

Nang makapasok sa studio, limitado umano ang taong pwedeng pumasok kaya si Gino na lamang ang kumuha ng video para sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga followers:

Fixing your own bed is an attitude. How can you be beautiful & has such a personality? Keep smiling
More videos neo pa ni Boss Gino nakakabitin naman video mo idol mis na Mis na talaga kita Lalo na boses mo
Hope you're doing fine.You'll get through what you are facing right now.I'm always here to support you.

Ang Kapamilya aktres na si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati . Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel