Angel Locsin, lalong hinangaan dahil sa mga testimonya ng mga natulungang kaibigan

Angel Locsin, lalong hinangaan dahil sa mga testimonya ng mga natulungang kaibigan

- Marami ang lalong humanga sa aktres na si Angel Locsin matapos na unti-unting maglabasan ang testimonya ng kanyang mga kaibigan

- Kamakailan, isiniwalat ni Janus Del Prado ang pagbabayad ni Angel ng buong bill nang siya ay ma-ospital

- Sa kakalabas lamang na panayam ni Ogie Diaz kay Lester Llansang, sinabi nitong natulungan din siya ni Angel na ang tawag niya ay 'Gelocs'

- Patunay lamang daw ito at pagiging likas na matulungin ni Angel sa kaibigan man o sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas lalong dumami ang mga humanga sa tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin dahil sa sunod-sunod na naglalabasang testimonya ng kanyang mga kaibigan.

Nalaman ng KAMI na umani ng papuri mula sa netizens ang aktres dahil sa pagtulong nito lalong-lalo na sa mga kaibigang dumaraan sa kagipitan.

Read also

Angel Locsin, binayaran noon ang hospital bill ng anak ni Lester Llansang

Angel Locsin, lalong hinangaan dahil sa mga testimonya ng mga natulungang kaibigan
Photo: Angel Locsin
Source: Facebook

Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado, isiniwalat nito ang pagbabayad ni Angel ng kanyang hospital bill noong 2014. Bagaman at hindi naman ito hiningi ni Janus, nagkusa pa rin daw si Angel na pagmalasakitan ang kaibigan.

"Buong bill ko binayaran niya, nasa mahigit... Sorry alam ko ayaw nitong mga 'to nire-reveal yung mga tulong nila... pero nasa mahigit Php150,000 kasi tumagal din ako sa ospital ng almost two weeks."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pinakabagong video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kung saan nakapanayam naman niya si Lester Llansang, sinabi ng aktor na si Angel Locsin ang pinakahinahangaan niyang artista hindi lamang sa pag-arte kundi pati na rin sa pakikisama nito sa tao.

Ibinahagi ni Lester na noong panahong kinapos siya sa budget para sa hospital bill ng kanyang newborn baby noon, si Angel ang sumagot nito at naging ninang pa ng kanyang anak.

Read also

Wilbert Tolentino, tumutulong kahit walang nakatutok na camera ayon kay Zeinab Harake

"Wala akong budget, as in ipit, nakaipit 'yung budget. Si Angel 'yung sumagot, yung buong hospital bill, yung buong bayarin"

Dahil dito, umani ng umaapaw na papuri ang aktres mula sa mga netizens na nagpakita ng paghanga sa kabutihan niya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naiyak naman ako sa sobrang bait ni Angel Locsin"
"Grabe, last time si Janus ang nagkwento, ngayon si Lester naman, sino pa kaya sa mga artista ang natulungan ni Angel."
"Tahimik lang talagang tumulong si Ms. Angel Locsin. Pero naglalabasan na ang mga taong natulungan niya para ipagsigawan kung gaano siya kabuti"
"Ms. Angel, nakaka-inspire po kayo. Kayo ang totoong Darna ng mga Pinoy"
"Big respect to Ms. Angel Locsin. Bagay talaga sa'yo ang pangalan mo"
"Bakit ako naiyak sa mga kwento ng natulungan ni Angel. Mapa-kapwa artista, kaibigan o kababayang nangangailangan ng tulong, laging handang magbigay si Ms. Angel. Grabe po kayo, nakaka-inspire."

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng kagipitan sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica