Wilbert Tolentino, tumutulong kahit walang nakatutok na camera ayon kay Zeinab Harake

Wilbert Tolentino, tumutulong kahit walang nakatutok na camera ayon kay Zeinab Harake

- Isiniwalat ni Zeinab Harake na tumutulong talaga si Wilbert Tolentino kahit kaninoman

- May camera man o wala, likas na matulungin si Wilbert at saksi umano rito si Zeinab

- Kamakaialan lamang naglabas si Wilbert ng vlog kung saan ipinakitang natulungan niya sina Madam Inutz at si Herlene Budol

- Kaya naman dapat daw na pasalamatan talaga si Wilbert sa pagbabahagi nito ng kanyang biyayang tinatamasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong vlog ni Wilbert Tolentino, naka-bonding niya sina Zeinab Harake at Skusta Clee.

Nalaman ng KAMI na isinagawa nila ang 'buying everything in the menu' challenge kung saan si Zeinab ang nakapagbayad ng lahat ng pagkain na ipadadala nila sa mga medical frontliners.

Wilbert Tolentino, tumutulong kahit walang nakatutok na camera ayon kay Zeinab Harake
Si Wilbert Tolentino kasama sina Zeinab Harake at Skusta Clee (@sirwil75)
Source: Instagram

Sa naturang vlog, naikwento rin ni Zeinab ang pagiging likas na matulungin ni Wilbert.

"Sa totoo lang lately lang nagpapakita si Momshie (Wilbert) ng mga tulong tulong sa channel niya

Read also

Zeinab Harake, napagbayad ng buong menu ng isang resto: "Para sa frontliners"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sinasabihan ko kasi 'to, sobra kasi tong tumulong... as in lahat binigyan niya.
"Kahit walang vlog tumutulong 'to," pagmamalaki ni Zeinab kay Wilbert.

Matatandaang nai-vlog niya lamang ang pagtulong niya kay Herlene 'Hipon Girl" Budol na sinundan naman ng pagbisita niya kay Madam Inutz. Nag-abot ng malaking halaga ng pera si Wilbert kay Madam Inutz para sa ina nito bago pa man siya nito maging talent manager.

"Para sa akin, mag-thank you na lang tayo kay Momshie (Wilbert) kasi hindi lang yung ibang taong hindi niya kilala ang natutulungan niya pati yung mga taong malalapit sa kanya tinutulungan niya ng bukal sa loob niya" dagdag pa ni Zeinab.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino:

Si Wilbert Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity

Isa rin siyang talent manager at isa nga sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica