Madam Inutz, ipinasilip ang mga kaganapan sa recording ng kanyang debut single
- Ipinasilip ni Madam Inutz ang mga kaganapan sa recording ng kanyang debut single
- Makikitang todo suporta sa kanya ang manager na si Wilbert Tolentino habang siya ay nasa recording studio
- Matatandaang noong contract signing nina Madam Inutz at Wilbert, nabanggit nito ang pagkakaroon ng album ni Madam Inutz
- "Inutil" ang title ng awitin ni Inutz at inaasahang magkakaroon ito ng music video at mapakikinggan sa spotify at iba pang music streaming application
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ipinasilip ni Madam Inutz ang mga naging kaganapan sa recording ng kanyang debut single na "Inutil."
Nalaman ng KAMI na si Ryan Soto ang nag-compose ng awitin para kay Madam Inutz na madalas gamitin ang salitang 'inutil' sa kanyang live selling.
Sa kanyang Facebook post, ipinakita niya ang aktwal na recording niya sa studio habang todo suporta naman sa kanya ang manager niyang si Wilbert Tolentino.
Ayon pa kay Madam Inutz, magkakaroon din ng music video ang kanyang awitin at mapakikinggan din ito sa spotify at iba pang mga music streaming app.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang noong contract signing nina Madam Inutz at Wilbert, nabanggit ng manager ang pagkakaroon ng album ni Madam Inutz.
Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga panindang damit.
Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.
Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.
Makalipas lamang ang ilang araw mula nang siya ay pumirma ng kontrata, naging busy na si Madam Inutz sa kanyang mga proyekto at isa na rito ay ang pagiging aktibo na rin niya sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez.'
Nais lamang ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh