Madam Inutz, inilabas na ang makulit at bonggang intro ng kanyang YouTube channel

Madam Inutz, inilabas na ang makulit at bonggang intro ng kanyang YouTube channel

- Inilbas na ni Madam Inutz ang introduction video ng kanyang YouTube channel

- Matatandaang nagkaroon sila ng photoshoot ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Nabanggit ng kanyang sir Wilbert na kasabay noon ang paggawa nila ng intro para sa YouTube channel ni Inutz

- Kamakailan, nagbigay babala si Madam Inutz patungkol sa mga pekeng social media pages na umano'y gumagamit ng kanyang pangalan, mga larawan at mga video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita na ni 'Madam Inutz' ang intro para sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez.'

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga pinaghandaan ni Madam Inutz at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino kung saan nagkaroon pa sila ng bonggang photoshoot.

Sa YouTube channel din ng kanyang 'sir Wil', ipinakita ang behind the scenes ng kanilang photoshoot.

Read also

Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"

Madam Inutz, inilabas na ang makulit at bonggang intro ng kanyang YouTube channel
Daisy Lopez aka Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Talagang pinaghandaan nila ang naturang photoshoot na mayroon pang outdoor set na inihanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, humiga talaga sa totoong kabaong si Madam Inutz sa naturang shoot at makikita rin ito sa intro ng kanyang channel.

Matatandaang biglang nag-viral si Madam Inutz nang isukat niya ang sinasabi niyang 'pamburol' outfit sa kanyang live selling.

Kaya naman kumpleto na ang kanyang props dahil sa kabaong na nirentahan ng kanyang sir Wil para sa kanilang bonggang photoshoot.

Samantala, inulan naman ng pagbati ang channel ni Madam Inutz at marami ang natutuwa sa mga biyayang natatanggap ng sumikat na online seller.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So Proud for your achievements. Stay humble always. God bless"
"Congratulations madaam, stay humble always"
"You're really such an inspiration to everyone.keep making these kind of videos and thank you for sharing your funny vlog with us it encourages many"

Read also

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

"You are so blessed madam inutz because you are a good person. Congratulations!!!"
"Madam grabe na ang freshness and good vibes mo sa amin.. and ngaun as we can see u r on the right path with Sir Wilbert. We will always support and love u."

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel