Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"

Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang mga kaganapan sa kanya matapos na pumirma ng kontrata sa pangangalaga ni Wilbert Tolentino

- Matapos isapubliko ang bonggang photoshoot, ipinakita naman ni Madam Inutz na pati mga benepisyo niya ay inaayos na rin ng kanyang manager

- Labis niya itong pinasalamatan sa dalawa niyang viral post na tunay daw na biyaya sa kanya ang manager

- Makikitang nagbukas na siya ng bank account at pati ang kanyang Philhealth ay inasikaso na rin niya kasama ng kanyang sir Wilbert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang ipinakita ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' kung paano siya alagaan at suportahan ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na matapos ang bonggang photoshoot nina Madam Inutz at ng kanyang sir Wilbert, ibinahagi naman ng viral online seller ang pag-aasikaso nila ng kanyang mga benefits.

Read also

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

Sa isa niyang post, ipinakita ni Madam Inutz ang pagbubukas niya ng bank account kung saan papasok ang kanyang mga kikitain mula sa kanyang YouTube channel at iba pang mga endorsements at projects na gagawin.

Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo credit: Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Sumunod niyang ibinahagi na pati ang kanyang health insurance ay inasikaso rin ng kanyang supportive na manager.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis na ipinagpapasalamat ni Madam Inutz ang lahat ng mga biyayang kanyang natatanggap kamakailan lalo na nang maging alaga na siya ni 'sir Wil.'

"Salamat si Wilbert TOlentino sa pag-update ng Philhealth ko para sa aking kalusugan at sa aking pamilya na rin. Grabe ang biyaya na binigay ninyo sa akin Dios Ama. Hindi ko lubos isipin na pati benefits ko aasikasuhin ninyo sir Wilbert"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Matapos na bisitahin siya ni Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol kung saan binigyan siya nito ng Php 200,000 bilang tulong sa kanya at sa kanyang ina, masaya nilang inanunsyo ang pagpirma ng kontrata ng viral online seller sa pagiging isang "Ka-freshness."

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel