Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"

Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"

- Tuluyan nang pumirma ng kontrata si Madam Inutz sa ilalim ng management ni Wilbert Tolentino

- Agad na nilatag ni Wilbert ang mga magiging proyekto ni Madam Inutz sa kanyang pangangalaga

- Isa na rito ang kanyang awiting ilalabas, at mga product endorsements gayundin ang patuloy na pagiging online seller personality nito

- Nilinaw nilang kumunsulta sila sa abogado kaugnay sa pagpirma ng bagong kontrata na ni Madam Inutz upang maipaunawa sa kanya ng maayos ang nakasaad doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang inanunsiyo ni Wilbert Tolentino na siya na ang manager ng viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na nag-Facebook live si Wilbert upang ipakita ang contract signing nila ng bagong sasailalim sa kanyang pangangalaga.

Sa naturang live din, binanggit ni Wilbert na sumangguni sila sa abogado upang maayos na maipaliwanag kay Madam Inutz ang tungkol sa pinirmahang kontrata na nakasulat sa wikang Tagalog.

Read also

Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album

Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ( Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Agad ding nailatag ni Wilbert ang mga proyekto ng viral online seller at kabilang na rito ang album na kanilang ilalabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"May upcoming na siya agad na single, debut single music ang title ay 'Inutil''. Antayin niyo si Inutz, gagawan namin siya ng first album."

Ang maganda pa rito, lahat daw ng kikitain ni Inutz sa naturang album ay mapupunta para sa pagpapagamot ng kanyang inang may karamdaman.

Bukod sa debut album, tuloy pa rin umano ang negosyo ni Madam Inutz gayung isa na siyang online seller personality.

Inaasahan din ang mga endorsements niya at ang mga vlogs kung saan makakasama niya ang kanyang manager gayundin sa sarili niyang YouTube channel na 'Daisy Lopez.'

Narito ang kabuuan ng Live ni Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz:

Read also

Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Wilbert Tolentino

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Kamakailan, binisita siya ng vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Naiyak sa labis na pasasalamat si Madam Inutz dahil hinandugan siya ni Wilbert ng Php200,000. Php100,000 para sa ina ni Madam Inutz at Php100,000 para sa pagpapalago ng negosyo ng nag-viral na online seller.

Halos hindi nga raw makapaniwala si Madam Inutz sa sunod-sunod na biyayang kanyang natatanggap. Matatandaang maging sina Ethel Booba at Donita Nose ay bumisita rin sa kanya. Matapos na makipag-bonding ay nagawa pa ng mga ito na pakyawin ang mga paninda niyang damit ng araw na iyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel