Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album
- Matapos nga ang pirmahan ng kontrata para maging manager na ni Madam Inutz si Wilbert Tolentino, inilahad ng manager ang ilan sa kanyang plano para sa viral na online seller
- Unang-una umanong dapat abangan kay madam ay ang kanyang unang album na i-re-recorn na pinamagatang "Inutil"
- Matatandaang una nang naikwento ni Madam Inutz na dati rin siyang kumakanta noong nagibang bansa siya
- Gayunpaman, pabiro niyang sinabing "renz Verano" na ang boses niya dahil gamit na gamit ang kanyang boses sa kanyang paghahanap-buhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang natuwa sa naging desisyon ni Daisy Lopez o Madam Inutz na pumirma ng kontrata para maging manager niya si Wilbert Tolentino.
Nakatakda umano itong gumawa ng pictorial. Bukod dito ay may nakalatag nang mga plano si Wilbert para kay Madam Inutz.
May kanta nang nagawa na nakatakda niyang i-record bilang bahagi ng kanyang unang album.
Sa ilang mga vlog kung saan nakita siya, nabanggit ni Madam Inutz na dati siyang singer at performer noong nagibang bansa siya.\Gayunpaman, dahil sa kanyang sobrang paggamit ng kanyang boses sa kanyang mga live selling, naapektuhan din ang kanyang boses.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, marami ang natuwa sa mga ibinahaging ito ng manager na mga balak niya para sa kanyang bagong alaga:
You've made the right decison madam Inutz, you deserve all the blessing you received ..stay humble and keep your feet on the ground we love you!! Congratulations and God bless you more!
God bless madam inutzzz and Sir Wilbert thank you for helping her
Ayaaaaaaannn naaaaaa madaaaaaaammm...yan ang tunay at talagang tutulong sayo ng walang halong kaekekan..your in good hands na kay sir wilbert..godbless sa inyong 2
Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.
Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Gayunpaman, ito ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.
Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta an g umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh