Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Wilbert Tolentino

Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Wilbert Tolentino

- Pumirmang muli ng kontrata si Daisy Lopez o nakilala bilang si Madam Inutz sa pangalawang pagkakataon

- Ito ay matapos niyang umalis sa naunang talent agency na kanyang pinirmahan kamakailan na umani ng pambabatikos

- Matapos ang ilang video kung saan nakasama siya sa mga YouTube video ni Wilbert Tolentino, tuluyan na siyang pumirma ng kontrata

- Si Wilbert ay nakilala din bilang manager ng Thai online sensation na si Mader Sitang na dating sumikat din sa Pilipinas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang positibong mga reaksiyon sa pagpirma ni Madam Inutz ng kontrata para maging manager niya si Wilbert Tolentino. Bago pa naganap ang nasabing pirmahan, ilang beses na siyang nakasama sa mga videos ni Wilbert at karamihan sa mga iyon ay may natatanggap siyang tulong mula kay Sir Wil.

Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Willie Tolentino
Daisy_licious Ukay
Source: Facebook

Sa kanilang live Facebook video, ipinakita nila ang kanilang pirmahan ng kontrata na ayon kay Wilbert ay nakasulat sa Tagalog upang mas maintindihan ni Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album

Bukod dito ay mayroon ding abogado at mga witness na naroroon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, masayang masaya naman si Madam na halos mga positibo ang mga komentong kan yang mga nababasa mula sa mga netizens:

Congrats MGA ka inunts hahaha god na disisyon Yan sobrang bait Yan Ni boss sayang NGA offer Sa akin Yan date tinangihan Lang Asawa KO sayang NGA Kaya boss baka naman.
Mabait talaga yan si sir Wilbert Tolentino kahit matagal nko di ngwork s knya kitang kita pdin kabairan nya...God bless po boss Wil
You are lucky ❤️ you’re in good hands. I know Uya Wilbert Tolentino matagal na . Super bait niya

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Read also

Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Gayunpaman, ito ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel