Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino

Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino

- Ibinahagi mismo ni Madam Inutz ang larawan ng kanyang contract signing sa kanyang bagong manager na si Wilbert Tolentino

- Agad niya itong pinasalamatan sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay

- Nangako umano si Madam Inutz na hindi niya bibiguin ang manager na nagtiwala sa kanyang kakayahan

- Maraming netizens ang natuwa at agad na nag-viral ang kanyang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuluyan na ngang pumirma ng kontrata ang online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz sa ilalim ng management ni Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na walang pagsidlan ng kaligayahan si Madam Inutz at ibinahagi niya agad sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay ang larawan ng naganap na signing of contract.

Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino
Photo: Daisy Lopez aka Madam Inutz (Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook
"Thank you sir Wilbert Tolentino sa tiwala at supporta. pangako indi kta ibibigo at sa ating ka inutz!!"

Read also

Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album

Mapapansing marami ang natuwa para kay Madam Inutz gayung umabot na agad sa 64,000 na mga positibong reaksyon ang kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umapaw din ang kanyang comment section na halos puro pagbati ng "Congratulations!" sa bagong yugto ng buhay at career ni Madam Inutz.

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Kamakailan, binisita siya ng vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa kanilang contract signing.
Source: Facebook

Naiyak sa labis na pasasalamat si Madam Inutz dahil hinandugan siya ni Wilbert ng Php200,000. Php100,000 para sa ina ni Madam Inutz at Php100,000 para sa pagpapalago ng negosyo ng nag-viral na online seller.

Read also

Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Wilbert Tolentino

Halos hindi nga raw makapaniwala si Madam Inutz sa sunod-sunod na biyayang kanyang natatanggap.

Matatandaang maging sina Ethel Booba at Donita Nose ay bumisita rin sa kanya. Matapos na makipag-bonding ay nagawa pa ng mga ito na pakyawin ang mga paninda niyang damit ng araw na iyon.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel