Madam Inutz, nagbabala; "Wag kayong magkamali sa pina-follow na account"

Madam Inutz, nagbabala; "Wag kayong magkamali sa pina-follow na account"

- Ipinakita ni Madam Inutz ang pinakabago niyang profile picture sa kanyang official na account

- Ito ay produkto ng bonggang photoshoot niya sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Binalaan din niya ang publiko sa mga naglipanang fake accounts na kumukuha ng kanyang larawan at video

- Nilinaw niyang hindi siya nagso-solicit at nanghihingi na siyang modus umano ng mga pekeng account

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng nag-viral na online seller at bagong social media personality na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ang bago at bongga niyang profile picture.

Nalaman ng KAMI na ang bago niyang profile picture ay produkto ng kanyang photoshoot mula nang maging talent na siya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Nagbigay paalala rin si Madam Inutz na ang 'Daisy_Licious Ukay' ang kanyang official Facebook account.

Read also

Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"

Madam Inutz sa bagong profile picture; ng "'Wag kayong magkamali sa pina-follow na account"
Si Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino. (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Labis na silang nababahala sa mga kumakalat na pekeng Facebook account na gumagamit umano ng pangalan, larawan at mga video ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Huwag kayo magkamali sa pina-follow niyong account na gumagaya sa akin. Eto ang update ng subscriber at follower ko na indi kayo na uto sa mga inutil na poser at scammer."

Nilinaw din ni Madam Inutz na nagagawa pa umanong mag-solicit ng mga pekeng account at manghingi na hindi-hindi naman niya ginagawa.

"HINDI PO AKO NAG HIHINGI. KAYA MAGING AWARE KAYO!! OOOOH JIIIIIVAAAA"

Makikita ang kabuuan ng post sa kanyang Official facebook fan page na 'Daisy_Licious Ukay'.

Madam Inutz sa bagong profile picture; ng "'Wag kayong magkamali sa pina-follow na account"
Si Daisy Lopez aka Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Read also

Madam Inutz, pumirma na ng kontrata sa bago niyang manager na si Wilbert Tolentino

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Matapos na bisitahin siya ni Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol at binigyan siya nito ng Php 200,000 bilang tulong sa kanya at sa kanyang ina, masaya nilang inanunsyo ang pagpirma ng kontrata ng viral online seller sa pagiging isang "Ka-freshness."

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel