Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

- Ibinahagi ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang 'behind-the-scenes' ng kauna-unahang photoshoot ni Madam Inutz

- Bongga at talagang pinaghandaan ang production kung saan mayroon pang outdoor shoot silang ginawa

- Gumawa na rin sila ng intro at mga photos na gagamitin sa kanilang mga social media account

- Gumamit din sila ng totoong kabaong dahil doon nag-trending si Madam Inutz sa kanyang ibinibentang 'pamburol' outfit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakita nina Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang 'behind the scenes' ng kanilang photoshoot.

Nalaman ng KAMI na ito ang pinakaunang photoshoot ni Madam Inutz bilang simula ng kanyang career sa pagiging isang social media personality.

Talagang bongga ang mga set na inihanda ni 'Sir Wil' para sa kanila ng alaga na si Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first ever photoshoot
Madam Inutz ang kanyang Manager na si Wilbert Tolentino (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

At ang pinakaagaw eksena rito ay ang ginamit nilang totoong kabaong kung saan nahiga talaga si Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan kasi na doon sumikat at nag-trending ang makulit na online seller kung saan kasama sa mga ukay na damit na kanyang ibinibenta ang umano'y pamburol na isinuot pa niya talaga.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino:

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Matapos na bisitahin siya ni Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol at binigyan siya nito ng Php 200,000 bilang tulong sa kanya at sa kanyang ina, masaya nilang inanunsyo ang pagpirma ng kontrata ng viral online seller sa pagiging isang "Ka-freshness."

Read also

Madam Inutz, pumirma na ng panibagong kontrata kay Sir Wilbert Tolentino

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel