Madam Inutz, binigyan ng CP ng manager: "New iPhone 12 Promac, ay Pro max pala!"

Madam Inutz, binigyan ng CP ng manager: "New iPhone 12 Promac, ay Pro max pala!"

- Ibinida ni Madam Inutz ang bagong smartphone na regalo sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Ibinigay daw ito ng kanyang manager upang mas maayos ang kanyang pagba-vlog

- Kaya naman ayon kay Madam Inutz, gagamitin niya ito para sa trabaho at hindi pam-party lamang

- Labis niyang ipinagpapasalamat sa kanyang manager dahil dati lamang niyang pinapangarap ang pagkakaroon ng ganoong klase ng cellphone

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakaunang vlog ni Madam Inutz sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez' ibinahagi niya ang regalong cellphone sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na bilang alaga ng kanyang 'Sir Wil,' nakatanggap siya ng iPhone 12 Pro Max na matagal na raw niyang pinapangarap.

Madam Inutz, binigyan ng CP ng manager; "New iPhone 12 Promac, ay Pro max pala!"
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Dahil sa kanyang prayoridad ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang ina, inakala niyang hanggang pangarap na lamang ang pagkakaroon niya ng ganoong klase ng smartphone.

Read also

Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"

Habang isinasagawa niya ang pag-unbox, labis na nagpapasalamat si Madam Inutz sa sunod-sunod na biyaya na kanyang tinatamasa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi rin niyang ang cellphone ay binigay sa kanya upang maayos din siyang makapag-vlog ngayong buhay na buhay na ang kanyang YouTube channel na mayroon na ring bongga na introduction video.

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Read also

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel