Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity foundation

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity foundation

- Nabanggit ni Ogie Diaz na likas na matulungin ang komedyanteng si Chad Kinis

- Blessed daw kasi ito sa kanyang love life dahil marunong din umano si Chad na magbahagi ng mga biyayang natatanggap

- Katunayan, isa si Chad sa mga sumusuporta sa mga hinahawakang foundation nina Ogie Diaz

- Ayon kay Ogie, hindi raw talaga ito nakakalimot na magbahagi at magbigay tulong si Chad Kinis na patuloy din namang nabibiyayaan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Ogie Diaz ang pagiging matulungin ng komedyanteng si Chad Kinis.

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak ng panayam si Chad at ang boyfriend nitong si Nikko Alano kay Ogie na mapapanood sa YouTube channel nito.

Nasabi ni Ogie na blessed si Chad sa kanyang love life dahil marunong din kasi itong magbahagi ng biyaya sa iba.

Read also

Chad Kinis, kinabahan kay Lassy dahil sa kanyang boyfriend: "Baka maahas"

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa iba't ibang charity foundation
Photo: Chad Kinis
Source: Facebook

Katunayan, isa si Chad sa mga sumusuporta sa dalawang hinahawakang foundation nina Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagbibigay ng kanyang blessings, nagsi-share ng kanyang blessings sa mga foundation na hinahawakan din namin... Meron kaming 500 patients, hindi nakakalimot si Chad."
"Tapos may bago kaming foundation, 'yung dugong alay dugtong buhay, sinuportahan naman ni Chad."

Dahil dito, nasabi din ni Ogie na masuwerte si Nikko kay Chad.

"Kasi blessing siya sa ibang tao kaya ikaw yung dumating na blessing sa kanya," paliwanag ni Ogie.

Narito ang kabuan ng makulit ngunit nakakakilig na interview:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Rudy Baldwin at Ed Caluag, 'di raw kukupkupin ni Wilbert Tolentino: "Walang peace of mind"

Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel