Chad Kinis, kinabahan kay Lassy dahil sa kanyang boyfriend: "Baka maahas"

Chad Kinis, kinabahan kay Lassy dahil sa kanyang boyfriend: "Baka maahas"

- Natakot daw si Chad Kinis para sa kanyang boyfriend na si Nikko Alano na baka maahas daw ng kaibigan niyang si Lassy

- Ito ay matapos hingan ni Ogie Diaz ng mensahe si Chad para sa kanyang boyfriend na si Nikko Alano

- Nagbiro kasi si Chad na ipapa-derma na niya ang kanyang mukha ngunit sagot naman ni Nikko ay hindi na raw ito kailangan pang gawin ng komedyante

- Dahil dito, biglang hirit ni Chad na nanganganib umanong maagaw sa kanya ni Lassy ang nobyo niyang si Nikko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang makulit ngunit nakakakilig din naman ang naging panayam ni Ogie Diaz sa magkasintahang sina Chad Kinis at Nikko Alano.

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak hindi lamang si Chad kundi ang kanyang boyfriend na si Nikko na magkwento ng kanilang love story.

Read also

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity

Nagsimula lamang daw ito nang magkaroon ng COVID-19 si Chad at nakita niya ang juice business nina Nikko.

Chad Kinis, kinabahan sa kanyang BF para kay Lassy: "Baka maahas"
Chad Kinis kasama ang boyfriend na si Nikko Alano (@chadkinis)
Source: Instagram

Nagkataong si Nikko ang sumasagot ng mga katanungan ni Chad sa kung paano maipade-deliver ang orders sa kanya hanggang sa tuluyan na silang nagkamabutihan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natutuwa maging si Ogie Diaz sa relasyon ng dalawa lalo na at si Nikko pa ang madalas na mag-post ng relasyon nila ng komedyante.

Nang tanungin pa ni Ogie kung ano ang mensahe ni Chad kay Nikko, nagbiro itong ipapa-derma na niya umano ang kanyang mukha.

Ngunit seryoso naman ang sagot ni Nikko na hindi na raw kailangan.

Doon naibanat ni Chad na natatakot na raw siya kay Lassy.

"Natatakot ako, baka maahas... mahilig 'to sa pangit e," pagbibiro ni Chad.

"'Yung iba, pinagpapalait sa mas maganda. ako pangit, baka ipagpalit ako sa mas pangit," makulit na idinagdag pa ni Chad.

Read also

BF ni Chad Kinis, inaming nagkaroon siya noon ng girlfriend

Narito ang kabuuan ng masayang interview sa kanila na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel