Awra Briguela, nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Chad Kinis

Awra Briguela, nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Chad Kinis

- Tinupad na ni Chad Kinis ang ipinangako niyang regalo kay Awra Briguela

- Bukod kasi sa ipinangakong sapatos ni Chad kay Awra, binigyan din niya iton ng gold earrings at mamahaling pabango

- Sinadya pa nina Chad at Awra ang shoe shop ni Kid Yambao kung saan nila binili ang bonggang 'kicks' ni Awra

- Kitang-kita ang pagmamalasakit ni Chad kay Awra na ang tawag pa niya rito ay anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Budol bonding' ang ibinahaging vlog ni Chad Kinis kung saan nakasama niya ang kanyang 'anak' na si Awra Briguela.

Nalaman ng KAMI na tinupad na umano ni Chad ang ipinangako nitong regalo kay Awra.

Bago pa man nila bilhin ito, una nang binigyan ng miyembro ng 'Beks Battalion' si Awra ng gold earrings.

Awra Briguela, nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Chad Kinis
Photo: Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Bukod pa rito, mamahaling pabango rin ang inabot niya kay sa dating child star bago sila magtungo sa shoe shop ni Kid Yambao kung saan nila bibilhin ang mamahaling sapatos na ipinangako ni Chad.

Read also

Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin

Kahit may kamahalan, buong-pusong binili ni Chad ang 'kicks' para sa kanyang 'anak.'

Sa vlog pa ni Kid, nabanggit ni Awra ang kanyang pasasalamat sa kanyang 'Mama Chad' na love na love raw siya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Chad Kinis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra Briguela ay dating child star at komedyante na mas nakilala nang maging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Matatandaang siya ang pinakaunang hinirang na champion ng “Your Face Sounds Familiar: Kids" sa Pilipinas.

Gumawa ng ingay si Awra nang pumutok ang kontrobersiyang kinasasangkutan niya at ng isa pa umanong influencer na si Buknoy Glamurrr.

Naikawento rin niyang labis umano siyang nasaktan nang tuluyan na siyang nawala sa programang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Read also

Zeinab Harake, sinurpresa ang kanyang 'Baby Lucas' sa 4th birthday nito

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel