Buknoy Glamurrr, humingi ng dispensa kay Awra Briguela

Buknoy Glamurrr, humingi ng dispensa kay Awra Briguela

- Inihingi ng paumanhin ni Buknoy Glamurrr ang kanyang pakikipagsagutan kay Awra Briguela

- Gayunpaman, sinabi niyang nasaktan siya sa ginawa ni Awra dahil hindi umano nito inalam ang totoong nangyari

- Iginiit niyang wala siyang nilabag na batas at ang kanyang ginawa ay para lamang umano sa kanyang content

- Matatandaang nag-ugat ang tensiyon nang punahin ni Awra ang isang video ni Buknoy kung saan makikitang wala siyang face mask at nasa labas ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang ibinahagi ni Buknoy Glamurr upang humingi ng dispensa kay Aura Briguela. Ito ay kaugnay sa naging sagutan nila sa Twitter kamakailan kung saan nadawit si Xander Ford nang kampihan nito si Buknoy.

“Gusto ko lamang humingi ng apology sa kanya [Awra Briguela]. Gusto ko lang sanang mag-sorry..."

Sa kanyang video na ibinahagi, ipinaliwanag ni Buknoy na nasaktan siya dahil hindi umano inalam ni Awra ang totoong nangyari bago ito naglabas ng saloobin sa social media.

“Sa part ko, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, Ate Awra, na nasaktan ako; kasi, hindi mo man lang inalam ‘yung totoong nangyari, kung ano ‘yung totoo behind that video. Isa ka sa mga nagpalala o nagpalaki nung issue na ‘yon."

Isa umano si Awra sa nagpalaki o nagpalala sa isyung iyon. Iginiit niyang wala siyang nilabag na batas. Ang tinutukoy nito ay ang kanyang video kung saan makikita siyang naglalakad sa labas nang gabi at wala pang suot na face mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinuna iyon ni Awra ngunit naging dahilan iyon ng kanilang pagsagutan sa Twitter.

Nakiusap din ito kay Awra na kung may isyu sila ay sana sa pagitan na lamang nila iyon.

“Ate Aw, if may issue tayo — personal — please, i-keep na lang natin privately. If ever na may problema ka, ate, please message me, ASAP, please. Mag-usap na lang tayo. ‘Yung tayong dalawa lang; hindi ‘yung through social media. Kasi, at, ang laki ng influence mo sa influence ko. Iam just Buknoy Glamurrr and you are Awra Briguela.”

Matatandaang ipatutupad na ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay ang mga residente na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019.

Buknoy Glamurrr, humingi ng dispensa kay Awra Briguela

Photo by Ezra Acayan/Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sina Buknoy at Xander ay parehas na nasa Star Image Artist Management.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Buknoy nitong Hunyo kaugnay sa kanyang pahayag laban sa mga tricycle drivers sa kanyang vlog.

Pinatawan naman ng indefinite suspension ng kanyang talent agency si Xander bunsod ng kinakaharap nitong kaso ng pang-aabuso sa kanyang ex-girlfriend.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel