BF ni Chad Kinis, inaming nagkaroon siya noon ng girlfriend

BF ni Chad Kinis, inaming nagkaroon siya noon ng girlfriend

- Nagpaunlak ng panayam sina Chad Kinis at boyrfriend nitong si Nikko Alano kay Ogie Diaz

- Isa sa mga naikwento nila ay ang dating nakarelasyon ni Nikko bago si Chad

- Inamin nitong nagkaroon siya ng girlfriend bago pasuking ang relasyon ng pagkakaroon ng boyfriend

- Ang huling nakarelasyon ni Nikko ay nagtapos noon pang 2016 at tumagal din sila ng dating boyfriend sa loob ng apat na taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masaya ang naging kwentuhan nina Chad Kinis at boyfriend nitong si Nikko Alano sa interview sa kanila ni Ogie Diaz.

Tulad ng tanong ng marami, inalam ni Ogie kung paano nagsimula ang relasyon ng dalawa.

Ayon kay Chad, nakilala niya si Nikko nang mag-inquire at mag-order siya ng juice na kasama sa food business nina Nikko.

BF ni Chad Kinis, inaming nagkaroon siya noon ng girlfriend
Chad Kinis kasama ang boyfriend na si Nikko Alano (Photo credit: @chadkinis)
Source: Instagram

Ito ay noong panahong nagkaroon siya ng COVID-19 kaya naman wala pa sa isip niya noon ang tungkol sa anumang may kaugnayan sa pag-ibig. Nais niya talaga noon na magpagaling.

Read also

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit si Nikko na raw mismo ang nag-aya sa kanya na lumabas. Doon na nagsimula ang pagkakamabutihan nila.

Naitanong din ni Ogie ang tungkol sa nakaraan ni Nikko. Siniguro kasi nito na wala itong sabit noong nagparamdam kay Chad.

Kwento ni Nikko, taong 2016 pa nang matapos ang relasyon nito sa kanyang ex-boyfriend.

Isa rin sa mga nasabi ni ng BF ni Chad ay ang pagkakaroon din nito ng girlfriend noon.

"Nagka-girlfriend tapos nagka-boyfriend, 'yung last ko po boyfriend," paglilinaw ni Nikko.

Kaya naman naitanong ni Ogie na baka naguguluhan umano ito sa kung ano talaga ang gusto nitong karelasyon.

"Hindi naman po, siguro boyfriend po," sagot ni ng BF ni Chad na mas matimbang umano sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie DIaz YouTube channel:

Read also

Chad Kinis, kinabahan kay Lassy dahil sa kanyang boyfriend: "Baka maahas"

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.

Sa naturang interview din ni Ogie Diaz kay Chad, nasabi nito ang pagsuporta ng komedyante sa mga foundation na hinahawakan nila.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel