Rudy Baldwin at Ed Caluag, 'di raw kukupkupin ni Wilbert Tolentino: "Walang peace of mind"

Rudy Baldwin at Ed Caluag, 'di raw kukupkupin ni Wilbert Tolentino: "Walang peace of mind"

- Hindi raw magagawang kupkupin ni Wilbert Tolentino sina Rudy Baldwin at Ed Caluag

- Matatandaang si Rudy Baldwin ang tinaguriang 'Pinoy Nostradamus' na nakapagbibigay umano ng mga prediksyon sa mga maaring mangyari

- Samantala, si Ed Caluag naman ay naging popular sa KMJS bilang suki sa mga paranormal activities

- Ayon kay Wilbert, baka hindi raw siya makatulog ng maayos kung pipiliin niyang 'kupkupun' ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makulit na sinagot ni Wilbert Tolentino ang challenge sa kanya ni Tita Jegs kung kukupkupin ba niya o tatablahin sina Rudy Baldwin at Ed Caluag.

Nalaman ng KAMI na 'tatablahin' daw ni Wilbert ang mga kilalang personalidad na ito.

"Baka maya't maya marami siyang prediksyon sa akin... 'Uy 'wag kang magalit sa akin ah," pahayag ni Wilbert kay Rudy na tinaguriang 'Pinoy Nostradamus.' Nakilala kasi si Rudy sa kanyang mga prediksyon na sinasabi ng mga tao na 'di umano'y nagkakatotoo.

Read also

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity

Rudy Baldwin at Ed Caluag, 'di raw kukupkupin ni Wilbert Tolentino: "Walang peace of mind"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Wilbert Tolentino FB)
Source: Facebook

"Parang ang hirap kasi i-handle na iba-bash ka," dagdag pa ng manager ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Instead na nasa good vibes ka na, mapapaisip ka pa"

"Hindi naman ako takot pero parang walang peace of mind," paliwanag pa ni sir Wil.

Halos ganito rin ang naisagot ni Wilbert nang tanungin siya tungkol kay Ed Caluag.

"Baka mamaya nakahiga ako sabihin meron dito sa ano, gusto ko namang matulog ako ng maayos di ba?" ayon kay Wilbert.

Sinang-ayunan naman ito ni Tita Jegs na baka hindi rin daw umano siya magkaroon ng katahimikan.

Kilala kasi ang paranormal expert na si Ed Caluag bilang 'suki' sa Kapuso mo, Jessica Soho lalo na tungkol sa mga kababalaghan ang kanilang naibabahaging kwento.

Narito ang kabuuan video:

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa mga vlogs sa kanyang YouTube channel na hindi lamang puro entertainment ang hatid kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa. Isa sa kanyang natulungan si Madam Inutz at tumatayo na rin siyang manager nito.

Sa challenge sa kanya ni Tita Jegs na 'kukupkupin o tatablahin' sa YouTube channel nito, naikwento rin ni Wilbert na humingi ng tulong sa kanya si Xander Ford para umano sa career growth nito.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel