Madam Inutz, namura rin si Sanya Lopez; "Walang arti-artista rito ah"

Madam Inutz, namura rin si Sanya Lopez; "Walang arti-artista rito ah"

- Pati ang Kapuso aktres na si Sanya Lopez ay hindi nakawala sa kakaibang pagbati ni Madam Inutz

- Ipinakausap kasi ni Wilbert Tolentino si Madam Inutz kay Sanya sa isang video call

- Nabanggit din ng manager ni Madam Inutz na maaring mag-collab ang dalawa bilang susunod nilang proyekto

- Tuwang-tuwa naman si Sanya na sinabing fan na siya ni Madam Inutz at na-welcome niya ito bilang isa nang 'ka-freshness'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang Kapuso aktres na si Sanya Lopez ay hindi nakawala sa malulutong na mura ni Madam Inutz nang sila ay magkausap.

Nalaman ng KAMI na sa photoshoot nina Madam Inutz at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, sandaling naka-video call niya si Sanya.

Ipinakausap ito sa kanya ng kanyang manager gayung fan na raw si Sanya ng viral online seller.

Read also

Madam Inutz, ipinasilip ang mga kaganapan sa recording ng kanyang debut single

Madam Inutz, namura rin si Sanya Lopez; "Walang arti-artista rito ah"
Madam Inutz habang kausap si Sanya Lopez (Photo credit: Daisy Lopez YouTube channel)
Source: Facebook

"Madam Inutz, sobrang fan mo ako, tawang-tawa ako sa'yo. Welcome sa 'ka-freshness," ang pagbati sa kanya ng bida sa "First Yaya"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At dahil sa nakilala si Madam Inutz sa kanyang kakaibaibang pagbati sa mga 'tambay' ng kanyang live selling, pati si Sanya at nakatanggap din ng mga makukulit na pabirong mura ng pinakabagong online sensation.

"Hello po... Magpapamura ka ba?" ang bungad ni Madam Inutz kay Sanya na sinundan na ng kanyang mga linya ng pabirong pagmumura.

Gandang-ganda rin si Madam Inutz sa aktres at nagbiro pa ito na lamang lang si Sanya ng dalawang paligo sa kanya.

Samantala, nabanggit naman ng kanyang manager na si Wilbert na maaring mag-collab sina Madam Inutz at si Sanya bilang isa sa mga susunod nitong proyekto.

Narito ang kabuuan ng makulit na photoshoot na mapapanood sa YouTube channel ni Madam Inutz na 'Daisy Lopez':

Read also

Madam Inutz, inilabas na ang makulit at bonggang intro ng kanyang YouTube channel

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel