Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

- Ipapa-lie detector test na ni Raffy Tulfo ang vlogger na si Kim Whamos Cruz

- Ito ay matapos niyang itanggi ang mga alegasyon sa kanya ng dalawang babaeng Tiktoker na inireklamo siya

- Ayon sa dalawang babae, nakikipag-collab daw sa kanila ang vlogger subalit may hindi magandang balak at nagawa umano ito sa kanila

- Upang malaman ni Tulfo kung sino ang nagsasabi ng katotohanan, minabuti niyang ipa-lie detector test ang tatlo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagdesisyon na si Raffy Tulfo na ipa-lie detector test na ang vlogger na si Kim 'Whamos' Cruz.

Nalaman ng KAMI na itinanggi kasi ni Whamos ang mga akusasyon sa kanya ng dalawang babaeng TikToker na inireklamo siya sa programa ni Tulfo.

Isa na rito si Rose Ann Sabile na umano'y binalakan ng hindi maganda ni Whamos nang makasama niya ito para mag-collab.

Read also

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo
Kim Whamos Cruz (@masterwhamos)
Source: Instagram

Gayundin ang isa pang nagreklamo na si 'Honey' na pawang makikipag-collab lamang kay Whamos ngunit may kakaibang binalak umanong gawin ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad namang hiningi ni Tulfo ang panig ng vlogger na pinabulaanan ang mga alegasyon at sinabing tila siya pa umano ang nagamit ng mga babae.

Sinabi niyang nang sumama kasi siya sa mga vlog ng mga ito lalo na ni Rose Ann, dumami ang subscribers nito na siya lamang daw ang pinanood.

"Wala pong katotohanan 'yon. Ganoon naman po talaga 'pag sikat ka, hahatakin ka pababa," pahayag ng kontrobersyal na vlogger ngayon matapos na isapubliko rin nito ang relasyon niya kay Antonette Gail Del Rosario.

Dahil dito, polygraph test o lie detector test na umano ang solusyon upang malamang sa mga ito kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.

Read also

Vlogger Kim Whamos Cruz, ipina-Tulfo ng dalawang babaeng TikToker

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel. Naibahagi rin ito ng Troom Troom TV.

Si Kim 'Whamos' Cruz ay isang vlogger sa Pilipinas. Kamakailan, naging kontrobersyal si Whamos na bukod sa pag-amin sa relasyon nila ni Antonette Gail del Rosario, una na siyang naireklamo ng ina nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Nais umano kasing pabalikin ni Dolly Del Rosario ang anak na si Antonette sa kanila at makuha ito umano sa poder ng vlogger. Tumanggi naman si Antonette sa takot pa rin umano nito sa kanyang stepfather.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel