Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya

Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya

- Sadyang hindi madali ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker

- Bukod sa hirap sa trabaho, isang balakid pa ang pangungulila sa mga mahal sa buhay

- Ibinahagi ng isang huwarang ina ang kanyang pinagdadaanan bilang isang katulong sa banyagang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Overseas Filipino Worker si Jhen.

Tiniis niyang mawalay sa kanyang anak uang mabigyan sila ng mas magandang buhay.

Ika nga, ang edukasyon ay isang yamang di mananakaw kaya nais ni Jhen mapagtapos sa kolehiyo ang kanyang mga anak.

Ayon sa kanya noong una ay naiyak siya dahil hindi siya kaagad natuloy magtrabaho pero naiisip niyang habang lumalaki ang mga anak niya, lumalaki rin pangangailangan nila pati na rin ng magulang niya.

Nag-iisang anak lang kasi siya kaya siya ang nagtataguyod sa kanyang pamilya kasama na ang kanyang mga magulang.

Basahin ang kanyang pagbabahagi ng kayang kwento na tiyak magbibigay ng inspirasyon.

Hello po, Ako po ay isang OFW, syempre po kaya ako nag OFW para makatulong sa binuo kung pamilya lalo na sa mga anak ko na kailangang mapag aral at mabigyan ng magandang kinabukasan para di matulad sakin na di nakapagtapos sa kolehiyo...pati na rin sa mga magulang ko po… Magsasaka po ang asawa ko, dati po syang guard natigil kasi walang mag aalaga sa mga bata… ako naman dati sa health center, minsan sapat lang po. ..kaya mas maganda sa ibang bansa na kahit malayo medyo malaki naman ang sahod...tinitiis nalang ang lungkot pag naiisip q mga anak ko... sila nagbibigay ng lakas sakin

Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya
Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya

Nung first tym...umiiyak po kaya d aq ntuloy way back 2012..pero naisip ko habang lumalaki mga anak ko lumalaki din pangangailangan kasama na mga magulang ko mahirap kc mg isang anak lang walang ibang tutulong sakin kung di sarili ko lang po...after a year apply ulit po ako then tnx God ok naman po gang ngayon. Nun una natatakot nga po ako kc pag naririnig nating middle east maraming balitang masasama tungkol sa pagiging maid...pero dasal lang talaga ang pinakamabisa mong kapit para ilayo ka sa kapahamakan...at tnx God mababait at maunawain mga natagpuan kung mga amo...ngayun maliwanag na sa isipan ko na hindi lahat ng asa middle east na employers ay masasama ang ugali...kahit saan man sulok ng mundo may mabait at masama na tao..nasa pakikisama narin sa kanila para itrato kang parang pamilya

Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya
Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya

Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya
Kakayanin ang lungkot at hirap! Isang huwarang ina, patuloy ang pagsisikap para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya

Walang day off po eh...pag xmas lang magkakasama kami ng mga maid ng mama nila...pero lagi naman po sinasama pag may pinupuntahang gathering or malling,

sa foods ko namn dito...kumbaga hawak ko ang kusina. Sobrang bait nga po ni mam, 2 weeks pa lang aq unexpected pag uwi nla inabot nya sakin bagong cp.

2 and half years ako sa Malaysia then mg 1 yr na po ako dito sa KSA, mabait din naging amo ko nun sa malaysia...kaso nun pagbalik q ng iba ugali nila..dati maliliit palang mga alaga ko nakakatulog ako sa tanghali kc kambal po un...pero nung 2nd contract ko na parang iba kc nga 2yrs na mga bata ang gusto nila nakikita ka lang na may ginagawa nagagalit pa minsan nung nakatulog aq pero tulog din mga bata...may kasama naman ako dun pinay din kaso d rin na bumalik, ng iba daw talaga cla lalo ung mag asawa na matanda...ang boss ko po kc dun ung anak nilang mag isa pero iisang haus cla

Tsaka bawal dun cp...tatawg ako sa pinas 5 mins lang sa telephone ..wala ring off kaso everyday kami sa labas. ..pero salamat pa rin hnd namna aq nahirapan dun. Basta may pananalig lang po at magtiwla kay God.

Sa mga gusto rin sumubok mangibang bansa lakas lang ng loob po ang pag aabroad...hindi porke gusto na nila eh mag abroad na...dapat kaya din nilang magtiis kahit anung hirap at pagsubok na haharapin nila dahil hndi madaling malayo sa mga minamahal parang nakabitin na ung isang paa mo sa hukay...tsaka di pwde ung homesick dito un lng po...above all pray lang para sa family nyo rin.

Sadya nga talagang iba ang pagmamahal ng isang ina.

Hindi naghihintay ng kapalit bagkus, magbibigay lang hangga't kaya.

Ilaw ng tahanan kung tawagin, kagaya ng isang kandilang handang matunaw mabigay lang ang liwanag na kaya niyang ibigay.

Saludo ang KAMI sa lahat ng dakilang ina lalo na sa mga OFW na patuloy na nagtitiis ng lungkot at hirap. Mabuhay po kayo!

8 Amazing clothes hanger hacks everyone must know - on Kami YouTube channel

Check out these amazing life hacks that will surely organize your stuff at home.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate