Efren "Bata" Reyes, pinabilib ang mga Pinoy sa pagiging kampeonato pa rin sa Billiards

Efren "Bata" Reyes, pinabilib ang mga Pinoy sa pagiging kampeonato pa rin sa Billiards

- Viral ang post patungkol sa pagkapanalo pa rin ng "The Magician" ng billiards na si Efren "Bata" Reyes

- Sa edad niyang 6, di pa rin siya nagpaawat sa Champions Challenge One Pocket na ginanap sa USA

- Proud na proud ang mga Pinoy nang malamang namamayagpag pa rin sa kanyang larangan si Reyes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wagi pa rin sa Champions Challenge One Pocket ang pambato ng bansa pagdating sa billiards na si Efren "Bata" Reyes.

Binati siya sa Facebook page na PoolAction TV dahil sa pagiging kampeon nito laban kay Billy Thorpe.

"Old School vs. New School" ang naging labanan ng dalawa sa loob ng limang araw.

Dinitalye sa naturang post kung paano naging mahigpit ang labanan ng dalawa na parehong kilala sa larangan ng billiards.

Sa huli, wagi pa rin ang pambato ng bansa na sa edad niyang 64, nagpakitang gilas pa rin siya at pinatunayang may kinang pa ang bituin niya sa billiards.

Dahil dito, labis na napabilib niya ang kanyang mga Pinoy fans ang mga netizens sa pagiging "The Magician" magpasa-hanggang ngayon.

Narito ang kanilang mga reaksyon na puno ng papuri sa nag-iisang "Bata" Reyes:

"Salamat sa another karangalan sir #EfrenBataReyes congrats po! Tnx for being one of the people who gives pride to the Philippines! Stay healthy sir.. God bless."
"Sir Efren you make us all proud"
"Congratulations to our Legendary Efren Bata Reyes"
"Another legend to appreciate. Efren “Bata” Reyes. Thank you for giving pride to our country."
"Aged knowledge usually always gets the upper hand, Congrats Efren"
"Someday, his cane will have a retractable cue and he’ll still beat people around in 1 pocket. You’re the greatest and we are proud to be around on your prime time."
"What a player truly a living legend possibly the greatest of all time in so many pool disciplines"

Kilala si Bata sa larangan ng billiards dahil sa mahigit 70 na international titles na kanyang napanalunan.

Tinuring si Reyes na "greatest pool player of all time" na siyang napatunayan naman niya sa kakatapos lamang na championship match ng pool.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica