Zeinab Harake, napagbayad ng buong menu ng isang resto: "Para sa frontliners"
- Napagbayad si Zeinab Harake ng lahat ng mga pagkaing nasa menu ng isang restaurant
- Ito ay bahagi ng challenge nila nina Wilbert Tolentino at Skusta Clee
- Nagpunta ang tatlo sa isang resto para bilhin ang lahat ng nasa menu at para ipamigay ang mga pagkain sa mga frontliners sa ospital at maging sa mga checkpoints
- Ito raw ang kanilang paraan para pasalamatan ang mga fronliners na mahigit isang taon nang buwis-buhay na nagbibigay kalinga at serbisyo lalo na sa mga COVID-19 patients
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Zeinab Harake ang napagbayad ng lahat ng mga pagkaing nasa menu sa 'Buying everything in the menu' challenge sa kanila ni Wilbert Tolentino.
Nalaman ng KAMI na nagkabonding sina Zeinab, Wilbert at maging si Skusta Clee sa vlog ng manager ni Madam Inutz.
Ang challenge, kung kaninong card ang makukuha ng empleyado ng resto, iyon ang magbabayad.
At dahil may karamihan ang pagkaing nasa menu kung saan karamihan pa ay mga seafoods, na-plano na ng tatlo na ipapamahagi ang mga pagkain sa frontliners, mapa sa ospital man o ang mga nasa checkpoints.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Naisip naming dalhin sa mga frontliners... Ngayong dadalhin natin sa kanila lahat ng oorderin natin," ayon kay Zeinab.
"Deserve naman nila na makapag-enjoy manlang sa panahon ng pandemic," dagdag pa ni Wilbert.
Ipinakita na lahat nga ng nasa menu ay naihain sa tatlo na kanila namang ipinabalot para maipamahagi.
Pagdating ng bayaran, naunang naligtas si Skusta at ang kanyang partner na si Zeinab ang nakapagbayad.
Mapapanood ang kabuuan ng video sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino:
Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 11 million YouTube subscribers.
Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.
Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'
Source: KAMI.com.gh