Zeinab Harake, pinasaya ang mga batang may sakit bilang pasasalamat sa 11 million 'Zebbies'

Zeinab Harake, pinasaya ang mga batang may sakit bilang pasasalamat sa 11 million 'Zebbies'

- Umabot na 11 million ang mga sumusuporta kay Zeinab Harake sa YouTube

- Bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang naisip niyang magbigay surpresa sa mga batang may sakit

- Pinasaya niya ng mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang kailangan ng mga bata

- Labis-labis ang pasasalamat ni Zeinab sa mga biyayang kanyang natanggap kaya naman masaya rin ang kanyang puso na mai-share ito sa iba lalo na sa mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumalo na sa 11 million ang mga subscribers ng kilalang content creator sa bansa na si Zeinab Harake.

Nalaman ng KAMI na bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, naisip niyang ibahagi ang biyaya sa mga batang may karamdaman.

Noong 8 million subscribers pa lamang ang kanyang naabot, naiplano na niya ito ngunit hindi natuloy dahil sa mas mahigpit na protocol bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Read also

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

Zeinab Harake, pinasaya ang mga batang may sakit bilang pasasalamat sa 11 million subscribers
Zeinab Harake (From Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Facebook

Ngunit ngayon, kung saan nagnegatibo rin sila sa mga COVID test, naituloy na nila ang pagpapasaya sa mga bata upang maibsan ang kanilang dinadala sa pagkakaroon ng sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa mga laruan, naghandog din ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ng mga bata si Zeinab.

Makikita ang galak sa mga bata sa mga surpreseng inihanda ng vlogger na malapit sa mga bata gayung isa na rin siyang ina.

"Nakita ko 'yung mga ngiti nila, sobrang sarap sa puso," ayon kay Zeinab na nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang munting handog sa mga bata.

Pinasalamatan din niya ang 11 million na walang sawang sumuporta sa kanya mula nang pasukin niya ang mundo ng pagba-vlog.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.8 million YouTube subscribers.

Read also

Sophia Reola, ibinahaging kabado siya ngunit excited sa kanyang first day of school

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad

Source: Kami.com.ph

Online view pixel