Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

- Hindi napigilang maluha ni Eric Fructuoso nang maikwento niya ang biglang paglago ng mga negosyo

- Binuksan niya ito sa kasagsagan ng pandemya at sa loob lamang ng ilang buwan pumalo na sa '6 figures' ang kinikita niya

- Aminado kasi si Eric na isa rin siya sa mga sinubok ng pandemya at ang ipinang-negosyo ay mula sa tulong ng nagmalasakit na kaibigan

- Ang lahat umano ng kanyang ginagawa sa ngayon ay para sa mga anak niyang hindi rin niya umano maayos na nasustentuhan dahil sa pandemya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Emosyonal at talagang naluha si Eric Fructuoso sa bunga umano ng kanyang mga pagsusumikap sa gitna ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na isa umano si Eric sa sinubok ng pandemic at aminadong nahirapan din sa aspetong pinansyal.

Ngunit dahil sa tulong ng mga malalapit na taong nagmamalasakit sa kanya, unti-unti ring nakabangong agad ang aktor.

Read also

Eric Fructuoso, binigyan ng pera ng tropa na inakalang namamasada na ito ng tricycle

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"
Eric Fructuoso (Photo credit: @eric.fructuoso)
Source: Instagram

Mula sa Php5,000 na naitago mula sa tulong pinansyal ng isang kaibigan sa showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula umano siya sa mga merch na may kagnayan sa hilig niya, ang motorsiklo.

"Lumago sa loob ng isa, dalawang buwan medyo su-mix (six) figures siya... Hanggang sa nakapagpatayo na ako ng shop ng motor," kwento ni Eric.

At nang makitang maganda ang kita sa kanyang "Gwapings Moto", naisip niyang pumasok muli sa isa pang negosyo at ito ang matagal na niyang pinaplano na food business.

"Sinimulan ko na 'yung Gwapigs Porkchop. So sinumulan ko ang Gwapigs porkchop noong January, eight months pa lang pala, gumanda... Tapos kada kumikita ako sa negosyo hindi ko binibili ng kung anong gusto ko.. pinapa-gulong ko lang ng pinapa-gulong"

Lahat ng ito umano ay ginagawa niya para sa kanyang mga anak na aminado siyang hindi niya maayos na nasusustentuhan lalo na nang mag-pandemic.

Read also

Eric Fructuoso, nagpasalamat sa malasakit ni Mark Herras noong simula ng pandemya

"Yung feeling na dati wala ka, tapos ngayon 'pag maglalabas ka ng pera... Ang sarap lang ng feeling"
"Lahat ng ginagawa mo, para sa anak mo. Hindi 'yung para sa'yo," dagdag pa ni Eric.

Narito ang kabuuan ng pahayag niya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Eric Fructuoso is a ay isa sa mga kilalang Filipino actor, comedian at negosyante. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz mula noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings. Ilan sa mga naging proyekto niya kamakailan ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Kadenang Ginto”, at “24/7”.

Sa naturang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento rin niya ang tulong sa kanya ni Mark Herras at pamilya nito noong nagsisimula pa lang ang pandemya.

Gayundin ang tungkol sa isang kumpare niya sa showbiz na hindi nagdalawang-isip na magpadala sa kanya ng Php20,000 sa pag-aakalang namamasada na siya ng tricycle.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica