Eric Fructuoso, binigyan ng pera ng tropa na inakalang namamasada na ito ng tricycle
- Dahil sa trending na larawan noon ni Eric Fructuoso na nagmamaneho ng tricycle, napadalhan siya ng pera ng isa niyang kaibigan
- Inakala kasi nitong namamasada na si Eric ng tricycle kaya naman agad na nagpaabot ng tulong pinansyal ang hindi niya pinangalanang kaibigan
- Kahit na ito'y kanyang tinanggihan, ipinadala pa rin ito sa kanya kaya naman ginamit niya ito sa makabuluhang paraan
- Isa na rito ang pamumuhunan sa negosyong kanyang napalago sa loob lamang ng ilang buwan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naikwento ni Eric Fructuoso sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol sa hindi inaasahang tulong na ipinadala sa kanya ng isa niyang kaibigan.
Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa nag-trending niyang larawan kung saan nagmamaneho siya ng tricycle.
Ayon kay Eric, inakala raw ng kaibigan niyang namamasada na siya ng tricycle sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kinumusta siya ng kaibigang hindi na niya pinangalanan na nakakita ng larawan. Kahit tinanggihan niya ang pera, gayung nakakaraos naman umano siya sa hagupit noon ng pandemya, ipinadala pa rin ng kaibigan niya ang halagang Php20,000.
"Hindi ko sinasabing ok ako, hindi ko sinasabing hindi ko kailangan, pero mabubuhay ako. 'kasi balita ko nagta-tricycle ka na raw,' so akala niya totoo 'yung nagtrend noon na nagta-tricycle ako"
Kaya naman siniguro ni Eric na magagamit niya sa maayos ang perang taos-pusong binigay ng kaibigan. Binigay niya ang kalahating halaga sa ina ng kanyang mga anak na hindi na niya noon nasusustentuhan.
"E tumira ako sa mommy ko sa Naic, Cavite. Nakikitira na nga lang ako dito, Php5,000 sa'yo. Nakikikain na nga lang ako e. Pasensya na, ito lang mabibigay ko ngayon," pahayag ni Eric.
At ang natitirang Php5,000 ang kanyang tinabi at ginamit para magsimula ng negosyo na may kaugnayan sa hilig niya noon na mga motorsiklo.
Ilang buwan lamang, napalago niya ang perang hindi niya winaldas na siyang pinangsimula niya ng isa pang pagkakakitaan at ito ay ang kanyang food business na 'Gwapigs.'
Narito ang kabuuan ng video na mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Eric Fructuoso is a ay isa sa mga kilalang Filipino actor, comedian at negosyante. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz mula noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings. Ilan sa mga naging proyekto niya kamakailan ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Kadenang Ginto”, and “24/7”.
Sa naturang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento rin niya ang pagmamalasakit sa kanya ni Mark Herras at pamilya nito noong nakaraang taon. Aminado kasi si Eric na isa siya sa mga tinamaan ng hagupit ng pandemya kaya naman nang maging kapitbahay niya si Mark, isa ito sa mga mabubuting puso na napgpakain sa kanya noong panahong dumaraan siya sa pagsubok tulad ng marami sa atin.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilida
Source: KAMI.com.gh