Eric Fructuoso, nagpasalamat sa malasakit ni Mark Herras noong simula ng pandemya
- Pinasalamatan ni Eirc Fructuoso ang kapwa aktor na si Mark Herras pati na rin ang pamilya nito
- Ito raw kasi ang nagmalasakit sa kanya noong nagsisimula ang pandemya
- Aminado si Eric na isa siya sa mga tinamaan ng hagupit ng pandemya noong nakaraang taon
- Ngunit dahil sa tulong na rin ng mga taong tulad ni Mark Herras, nalampasan niya ito hanggang sa makabangon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naibahagi ni Eric Fructuoso ang tulong na naibahagi sa kanya ng kapwa aktor na si Mark Herras.
Nalaman ng KAMI na isa umano si Mark at pamilya ng misis nito sa nagmalasakit kay Eric noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.
Kwento ni Eric sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nagkataong naging kapitbahay niya sina Mark nang lumipat na siya ng apartment noong nakaraang taon.
"Sobrang thankful ako sa kanya saka sa wife niya sa tita nila, sa tapat ako nakatira pero sila 'Eric, kain ka dito'. Doon ako kumakain"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Alam mo 'yung tatawagan ka, 'uy hinahanap ka na ni Tita, kumain ka na dito, baka lumamig 'yung pagkain. Kasi that was the start of pandemic."
Aminado si Eric na isa siya sa mga tinamaan ng pagsubok ng pandemya na bilang artista, nawalan umano ng mga raket.
Ngunit sa tulong mga kaibigan, unti-unti na siyang nakabangon at nakapagtayo rin ng ilang negosyo sa kabila pa rin ng patuloy na dinaranas natin na pandemic.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Eric na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Eric Fructuoso ay isa sa mga kilalang Filipino actor, comedian at negosyante. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz mula noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings. Ilan sa mga naging proyekto niya kamakailan ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Kadenang Ginto”, and “24/7”.
Nito lamang Enero, binuksan ang matagal na umanong nai-plano na Food business ni Eric na 'Gwapigs.'
Halos isang taon na rin ang lumipas nang mag-viral ang larawan niyang inakala ng marami na totoong namamasada na siya ng tricycle.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilida
Source: KAMI.com.gh