Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

- Ibinahagi ni Eric Fructuoso ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa

- Sa panayam ni Ogie Diaz ay ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan nang magkahiwalay sila

- Naganap ang paghihiwalay nila sa kasagsagan ng kanyang pagtatrabaho bilang isa sa cast ng Kadenang Ginto

- Naibahagi niyang nakitira lamang siya sa kaibigan at palipat-lipat siya ng tirahan noong naghiwalay sila ng asawang si Gian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng aktor na si Eric Fructuoso na hiwalay na sila ng kanyang misis na si Gian. Sa isang panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay nabanggit niya ang tungkol sa pangyayaring ito sa kanya at ang kanyang dinanas.

Eric Fructuoso, ibinahagi ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa
Eric Fructuoso (Photo credit: @eric.fructuoso)
Source: Instagram

Kwento niya, naganap iyon noong kasagsagan ng pagiging abala niya sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Naibahagi niyang nakitira lamang siya sa kaibigan at palipat-lipat siya ng tirahan noong naghiwalay sila ng asawang si Gian.

Read also

Eric Fructuoso, binigyan ng pera ng tropa na inakalang namamasada na ito ng tricycle

Lumipat daw si Eric nang makakita ng maliit na tirahan na rerentahan niya, bago nakahanap ng mas malaking bahay na nirerentahan kung saan puwede siyang bisitahin ng mga anak kapag Pasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinalaunan ay nakapag-isip-isip siya at napagtanto kung ano ang mali sa kanya. Nakabangon siya nang lumago ang kanyang negosyo at naiyak pa ito nang sabihing kung noon ay hindi siya nakakapagbigay para sa tuition fee, kayang-kaya niya na ito umanong i-cash.

Si Eric Fructuoso ay isa sa mga kilalang Filipino actor, comedian at negosyante. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz mula noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings. Ilan sa mga naging proyekto niya kamakailan ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Kadenang Ginto”, at “24/7”.

Sa naturang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento rin niya ang tulong sa kanya ni Mark Herras at pamilya nito noong nagsisimula pa lang ang pandemya.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Gayundin ang tungkol sa isang kumpare niya sa showbiz na hindi nagdalawang-isip na magpadala sa kanya ng Php20,000 sa pag-aakalang namamasada na siya ng tricycle.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel