Sophia Reola, ibinahaging kabado siya ngunit excited sa kanyang first day of school
- Ibinahagi ng Nang Ngumiti ang Langit star na si Sophia Reola na kabado siya at excited sa kanyang first day of school
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Kasalukuyang nasa ibang bansa si Sophia na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Mikmik sa nasabing Teleserye sa ABS-CBN
- Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa batang aktres na ayon sa iba ay mukha nang dalaga
- Naging bahagi din si Sophia ng American-Filipino crime drama television series na Almost Paradise
Marami ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa batang aktres na si Sophia Reola nang ibahagi nito ang kanyang mga pictures na kuha sa kanyang unang araw sa school.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aniya, kabado siya ngunit excited sa kanyang unang araw sa pagpasok.
Marami naman sa mga netizens ang natuwa na makitang muli si Sophia na ayon sa iba ay mukha nang dalaga.
Matatandaang naging bahagi si Sophia ng ABS-CBN teleserye na pinamagatang Nang Ngumiti ang Langit kung saan nakasama niya sina Kaye Abad at RK Bagatsing. Siya ang gumanap bilang si Mikmik na anak nila Kaye at RK sa nasabing serye.
Kasalukuyang nasa ibang bansa si Sophia at marami sa kanyang mga fans ang nagtatanong kung kailan ito uuwi sa Pilipinas upang maging bahagi ng mga Pinoy TV series.
Dahil sa pandemya, marami sa mga batang artista ang hindi na masyadong nakakapagtrabaho dahil sa mga ipinapatupad na batas upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bata na wala pang bakuna laban sa COVID 19.
Kabilang din sa mga pinapatupad na alituntunin para sa pag-shoot ng mga pelikula at teleserye ay kailangang naka lock-in ang mga artista at mga crew upang mpanatili ang kaligtasan ng lahat na nagtatrabaho sa set.
Gayunpaman, mayroong mga pagkakataong tinamaan ng COVID ang mga artistang nasa lock-in taping kagaya na lang ng nangyari kamakailan kay Arjo Atayde. Agad naman pinagtanggol si Arjo ng kanyang mga katrabaho sa akusasyong iniwan niya ang mga kasamahan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh