Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens

Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens

- Hindi maipagkakailang marami ang nanghinayang sa relasyong LJ Reyes at Paolo Contis na nauwi sa hiwalayan

- Kinakiligan din ang mga sweet na mensahe ng aktor para kay LJ noong panahong hindi pa sila nagkakaproblema

- Sa katunayan, marami ang humanga at naaliw sa kanilang masayang pamilya kasama ang panganay na anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki

- Kaya naman, muling binalikan ng ilang netizens ang mga kinakiligang mga mensahe ni Paolo para kay LJ

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang napa-sana all sa tuwing magpo-post si Paolo Contis ng kanyang mga sweet messages noon para sa kanyang kasintahang si LJ Reyes. Kinakiligan ang mga pagpapahayag niya ng kanyang damdamin para sa aktres.

Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Hindi tuloy maiwasang manghinayang ng ilan sa relasyon nila na nauwi lang sa hiwalayan. Marami ang nagulat sapagkat, mukha silang masaya sa kanilang munting pamilya kasama ang panganay na anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki.

Read also

Kiko Estrada, naka-unfollow kay Heaven Peralejo sa Instagram

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamusta kayong mga nag "Sana all" dito? Okay nako sa MAN IS A FEW WORDS. magbreak man kayo, wala kang babalikang caption na kala mo may FOREVER
Magtataka ka nalang talaga pano nakakapagsalita ng ganto kagaganda ang mga lalake tas biglang isang araw iba na. Diko sinasabeng wag ka magmahal, sinasabe ko lang na hindi naten hawak ang mga bagay. Lagi kang magtitira ng para sa sarili.
Actually yang mga sinasabi ni Paolo eh nasasabi nya yan “During that time” kase inlab na inlab siya kay LJ. Wala namang mali ako nakikita. Okay nga kase hindi tinatago at proud siya.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng youth-oriented show na "Ang TV."

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Larawan ng isang proud at protective na ama ang aktor sa kanilang anak na si Summer. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak. Kamakailan nga ay kinaaliwan ang garahe nina Paolo at LJ na ginawa nilang park para kay Summer.

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel