LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

- Sa kanyang emosyonal na paghahayag ng kanyang saloobin nais linawin ni LJ Reyes na hindi mutual ang kanilang desisyon na maghihiwalay ni Paolo Contis

- Hindi niya rin masagot ang tanong kung third party pa ang isa sa dahilan ng kanilang paghihiwalay

- Gayunpaman hindi niya rin itinanggi kaya marami ang naniwalang maaring ito nga ang isa sa dahilan ngunit nag-iingat lamang si LJ na huwag magsalita

- Kasalukuyang nasa ibang bansa si LJ kasama ang kanyang dalawang anak na sina SUmmer at Aki upang makalayo dahil sa sitwasyon nila ni Paolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumikha ng ingay ang emosyonal na pagpapahayag ni LJ Reyes ng kanyang panig kaugnay sa hiwalayan nila ni Paolo Contis. Matapos nga ilabas ni Boy Abunda ang panayam niya kay LJ, lalong dumami ang espikulasyon dahil na rin sa tipid na sagot ng aktres kaugnay sa ilang katanungan sa kanya.

Read also

LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Gayunpaman, sinabi niyang sa kanyang paniniwala ay hindi mutual ang desisyon na maghiwalay sila.

Sa kanyang pahayag, napansin niya ang umano'y pagbabago ni Paolo at naging sanhi ito ng kanyang pagtatanong kung may problema ba sila.

Matatandaang naging maugong ang usap-usapang nagkakaproblema sila matapos mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na si Paolo sa aktres at burado na rin sa Instagram niya ang picture na kasama si LJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng youth-oriented show na "Ang TV."

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Larawan ng isang proud at protective na ama ang aktor sa kanilang anak na si Summer. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak. Kamakailan nga ay kinaaliwan ang garahe nina Paolo at LJ na ginawa nilang park para kay Summer.

Read also

Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel